Press "Enter" to skip to content

House-to-house Na Panukala Kinumpara Sa Oplan Tokhang

Manila, Philippines – Niyanig kamakailan ang taumabayan ng maglabas ng pahayag ang kinauukulan na bibisita sa mga bahay-bahay ang mga kapulisan para sunduin ang mga taong may karamdaman ukol sa COVID-19. Marami ang hindi sumasang-ayon sa panukalang ito dahil sa paglabag sa kanilang privacy at takot na rin sa maaaring karahasan na pagimplimenta.

Sundo

Naglabas ng pahayag si Interior Secretary Eduardo Año na ang kapulisan raw ay magha-house-to-house para maghanap ng mga taong may hini-hinalang may COVID-19. Ito raw ay para maiwasan ang paglaganap nito at maiwasan din na ma-lockdown ang buong lugar.

House-to-house Na Panukala Kinumpara Sa Oplan Tokhang 2
Photo Credit: Philippine Star

Ang mga taong masusundo ay idi-diretcho sa isang quarantine location kung saan mas kumpleto ang mga pasilidad at kagamitan. Ang mga pasyente na hindi sasangayon umano ay pipiliting ililikas ng gobyerno at i-isolate sa isang lugar.

Bakasyon Daw

Ang mga taon sa-sailalim sa programang ito ay papaunlakan raw ng gobyerno ng libreng pagkain, tatlong beses isang araw kasama na rin daw ang air-conditioned na kwarto at Wi-fi. Mayroon din daw graduation ceremony na magaganap pagkatapos ng 14-day quarantine period.

House-to-house Na Panukala Kinumpara Sa Oplan Tokhang 3
Photo Credit: Philippine Star

Ito raw ay parang “paid vacation” ani ni Presidential spokesman Harry Roque. Ito rin daw ay “Oplan Kalinga” dagdag ni Año na programa ng gobyerno para daw mas maalagaan ng maayos ang mga COVID-19 patients dahil wala raw tamang kagamitan sa kanilang tahanan bagkus mas ma-ikakalat pa nila ang virus sa kanilang pamilya at lugar.

Reaksiyon

Umani ng iba’t ibang reaksiyon sa buong sambayang Pilipno ang naging pahayag umano ni Año. Maari daw na dito mag-ugat ang pag-aabuso ng ating kapulisan.

House-to-house Na Panukala Kinumpara Sa Oplan Tokhang 4
Photo Credit: Philippine Star

Maaalala din na kamakailan ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism law. Maari din daw na gamitin itong anggulo ng mga kapulisan sa mga taong hindi sumasang-ayon na sumama para sa quarantine regulations.

Hinaing ng ilang mambabatas

Naglabas din ng hinaing ang mga ibang mambabatas na hindi makatwiran ang pahayag na ni Año. Sinabi ni Senator Risa Hontiveros na ito ay para na din Oplan Tokhang taliwas sa Oplan Kalinga.

House-to-house Na Panukala Kinumpara Sa Oplan Tokhang 5
Photo Credit: Philippine Star

Sinabi din ni Roque na walang dahas na mangyayari sapagakat ang kapulisan lamang daw ay tutulong lamang at magbibigay suporta sa lugar kung saan may apektado.

Panoorin ang pahayag ni Año:

https://www.facebook.com/watch/?v=633855747224903
SOURCE: Philippine Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: