Press "Enter" to skip to content

Huli-cam! Lalaki, Naghuramentado at Dinuro-duro Ang Isang Motor Rider

Isang viral video ngayon ang kumakalat sa social media na kung saan ay mapapanood ang isang naghuhuramentadong lalaki at isang nagmamakaawang motor rider.

Alitan sa trapiko

Sa video na kuha ng Facebook netizen na si Tin Layones, makikitang galit na galit ang lalaking nakaputi habang inaawat ng tila kanyang asawa, at dalawa pang lalaki. Ang mga ito ay lulan ng itim na kotse. Sa video ay hindi naman malinaw na nakuhaan ang plate number nito.

Huli-cam! Lalaki, Naghuramentado at Dinuro-duro Ang Isang Motor Rider 1

Sa kabilang banda, ang kaalitan ng lalaking nagpupuyos sa galit ay isang motor rider na halos lumuhod, magmakaawa, at humingi ng pasensya sa kausap.

Sa ilang iglap pa ay sumakay na din ang dalawa pang lalaki sa sasakyan. Patuloy naman sa panduduro at pagbabanta ang lalaking naka-puting tshirt.

Viral video

Maya maya pa ay makikitang inihagis ng lalaking nagpupuyos sa galit ang bag ng motor rider. Initsa nito sa di kalayuan ang bag ng nagpapakumbabang motor rider. Panay din ang pagmumura nito at tinawag pang “kamote” ang rider ng motor.

Huli-cam! Lalaki, Naghuramentado at Dinuro-duro Ang Isang Motor Rider 2

Ang insidente ay naganap sa Kalayaan Balagbag, Pasay bandang 6:27 pm ng gabi, ayon sa nagpost ng video. Sa post ng netizen,

“Nagmamakaawa na si kuya sai yo pero bakit kailangan mo pang itapon yung bag nya at duruin sya. Porket apat kayo.”

Ipa-tulfo

Galit naman ang namayani sa mga netizens nang mapanood ang video. Sa ngayon ay ipinapa-trending sa Facebook ang viral video na ito upang makarating sa atensyon ng Raffy Tulfo In Action.

Madami ang nagta-tag sa programa upang mapanagot at mabigyan ng hustisya ang pang-aalispusta sa rider.

Pag-iingat

Ganunpaman, isang malaking palaisipan para sa maraming netizens kung paano nagsimula ang alitan sa dalawang partido. Gayunman, anuman ang puno’t dulo nito ay hindi dapat humantong sa ganitong sitwasyon ang pagresolba sa problema.

Lalo pa kung nagpapakumbaba na ang kabilang partido, isa itong magandang pagkakataon upang kalmadong mapag-usapan at maayos ang problema.

Nag mamakaawa na si kuya sainyo pero bakit kailangan mo pang itapon yung bag nya at duruin sya. Porket apat kayo.Si Masato Fernando po yung rider. #raffytulfoinaction6:27pmKalayaan Balagbag Pasay

Posted by Tin Layones on Tuesday, February 18, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: