Press "Enter" to skip to content

Huli ka Ghorl: Tunay Na GF Ng Pekeng BF Ni Xander Binuking Ang Panloloko Sa Tao

Last updated on July 23, 2020

Manila, Philippines – Naging hot topic at nag trending ngayon sa social media ang facebook post ng girlfriend ng ipinakikilala ni Xander Ford bilang boyfriend nito. Sigaw ng gf ng sinasabing bf ni Xander, “tama ng palabas, wag ka manggamit ng ibang tao!”.

Trending post

Noong isang araw, ibinunyag ni Xander na siya ay all oit proud na isang myembro na ng LGBT community, ito’y matapos niyang ipost sa kaniyang Instagram account anf kaniyang suporta at anunsyo na may kasunod na bahaghari na emoticon.

Huli ka Ghorl: Tunay Na GF Ng Pekeng BF Ni Xander Binuking Ang Panloloko Sa Tao 2

Ani ni Ford,

“Being one of them is not a crime.”

Umani naman ito ng samot saring reaksyon at karamihan ay natawa sa ginawa nitong pahayag. Kani-kaniyang komento ang mga netizens at ayon sa kanila nagpapapansin lang si Xander dahil siya ay laos na.

Gimik ni Xander

Samantala, nito lamang umaga ay naging mainit ang talakayan sa Twitter matapos may inilabas na larawan ng post ng sinasabing tunay na kasintahan ng ipinakikilala na Xander na nobyo nito.

Bagama’t agad din idenelete ng nagpost na si Samantha Nicole ang kaniyang isiniwalat sa facebook account nito, hindi naman nakaligtas ang naturang post sa mata ng mga netizen at agad itong kumalat sa Twitter world.

Bungad ng unang pahayag ni Nicole,

“Bakla, baklaan!”

Sinundan pa niya ito ng,

“Hindi ko na talaga kaya ang panloloko mo sa mga tao Xander Ford. Hindi ko na din kaya ang pang gagamit mo sa boyfriend ko. Hindi ko na matiis na makitang kasama ka niya para lang masabi na bakla ka, para masabing sikat ka!”

Huli ka Ghorl: Tunay Na GF Ng Pekeng BF Ni Xander Binuking Ang Panloloko Sa Tao 3

Ayon pa sa dalaga, hindi totoo na bakla si Xander dahil ginagamit lang nito ang kaniyang nobyo para sumikat. Dagdag pa niya, mas maayos pa na sumuko na lamang si Xander kesa umabot pa sa Korte.

Pag buking

Kwento pa ng dalaga sa kaniyang post, hindi na niya makayanan ang panggagamit sa kaniyang nobyo at pagtatago at pamimilit nito sa kaniyang boyfriend.

Ani niya,

“Hindi ko na kaya ang kakapalan ng mukha mo, manggagamit ka ng tao para matangi ang kasalanang ginawa mo. Ang kapal ng mukha mo!”

Isiniwalat pa ni Nicole na ginagamit ni Xander ang kaniyang facebook kaya hindi na niya ito ma-access. At hinamon niya ito na sana’y magpakalalake at huwag manira ng buhay ng ibang tao.

Dagdag pa ni Nicole,

“Hindi ko na kaya, mag sasalita na ako. Lahat pinipilit kong itago pero makita ko lang itong picture na ito, para ako binabangungot. Kung ayaw mo ma kulong wag ka manggamit ng ibang tao para mapagtakpan lahat.”

Huli ka Ghorl: Tunay Na GF Ng Pekeng BF Ni Xander Binuking Ang Panloloko Sa Tao 4

Galit na galit ang dalaga dahil sa ginawang pag sangayon ng kaniyang kasintahan sa palabas ni Xander. Ani pa ng dalaga na huwag daanin ni Xander sa pera dahil hindi na niya maatim ang panggagamit nito sa kaniyang nobyo. Sa huli hinamon niya ang nagpapanggap na nobyo ni Xander at sinabi nito kung nalason na ba ang kaniyang utak.

Ani ng dalaga,

“Xander Ford, ibalik mo na boyfriend ko!!!! Kapal ng mukha mo Jeck Velasco. Ano na nilason ka na niyam ni Xander?? Ano na jeck??”

Samantala, pinag pyestahan naman itong larawan na I pinost ng dalaga sa kaniyang facebook account. Marami tuloy ang nagsasabing kaya lamang ginagawa ni Xander na aminin na siya ang isang bahagi ng LGBT community upang takasan ang sinampang R@p3 na kaso sa kaniya ng dating kasintahan. Matatandaan na inireklamo siya nito dahil sa pamimilit nitong makipag talik sa kaniya at pananakit nito sa nobya ng sila ay magka live-in noon.

Huli ka Ghorl: Tunay Na GF Ng Pekeng BF Ni Xander Binuking Ang Panloloko Sa Tao 5

Sa ngayon ay tahimik ang kampo ni Xander sa alegasyon ng lumantad na tunay na nobya ng kaniyang ipinakilalang boyfriend. Bukas naman ang Pinas Balita sa pahayag ni Xander at umaasang mabigyan linaw ang isyung ikinahaharap nito.

Source: russelsaquing

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: