Arestado si Pat. Nerio Jojo Bravo Jr., miyembro ng Mobile Force Battalion ng Manila Police District at nakatalaga sa U.S. Embassy. Ito ay matapos niya ihatid ang pito katao mula Tanay, Rizal hanggang Tayabas City, Quezon at manigil ng halagang P2,500 kada isa sa gitna ng umiiral enhanced community quarantine sa Luzon.
Impormasyon
Ayon sa impormasyon na natanggap ng PNP Tayabas, isang itim na Mitsubishi X-Pander umano ang nagbaba ng mga taong hindi awtorisadong bumiyahe dahil sa umiiral na ECQ sa buong Luzon.

Pasado alas-dose ng tanghali ng maharang si Bravo ng mga pulis na nasa Brgy. Ibabang, Ilasan habang nagsasagawa sila ng mobile patrol.
Pitong pasahero
Kinilala ang mga sakay ni Bravo na sina Joseph Adan, Jayson Nanea, James Paulo Abcede, Raymund Lavado, Aillen Villafria, Maria Dialola, at Arvie Lavado, pawang mga taga-Tayabas. Base sa impestigasyon, nakipag-ugnayan si Bravo sa mga ito gamit ang isang messaging application at sinundo ang mga ito sa Taytay, Rizal upang maihatid sa Tayabas.

Napagalaman din na siningil ni Bravo ng P2,500 kada isa ang pitong tao bilang kabayaran sa paghatid niya sa mga ito.
Kulong
Suot suot rin ni Bravo ang kanyang uniporme nang siya ay mahuli. Ginamit umano ni Bravo ang pagiging pulis para lang makalusot sa mga quarantine check control mula Taytay, Rizal hanggang Tyabas, Queon.

Dahi sa ginawang paglabag ni Bravo at ng pito niyang kasama sa Bayanihan to Heal as One Act, deklarasyon ng State of Public Health Emergency, resistance and disobedience to a person in authority, sila ngayon ay kasalukuyan ng nakaditine sa Tayabas Police Station upang harapin ang patong-patong na kaso.
Source: Bandera
Be First to Comment