Press "Enter" to skip to content

HULI NA!! Tolongges At Batugan Na Bumaril Sa Mami Vendor, Nasampolan Ni Yorme

Kamakailan lang ay nag init ang ulo ng mga netizens nang magviral ang isang CCTV footage kung saan makikita ang isang pares mami vendor na hinoldap at binaril ng noon ay hindi pa nakikilalang lalaki. Matapos ang isang araw, natukoy rin naman agad sa Baseco Compound na si Rowell Brillantes.

Huli na, mayabang pa

Ngayon lang ay nagpalabas ng LIVE video ang News 5 na ipinapakita na nahuli na ang suspect. Unang pinakita ito na nakaharap sa isang pulis. At tila tipid sa kanyang sagot.

HULI NA!! Tolongges At Batugan Na Bumaril Sa Mami Vendor, Nasampolan Ni Yorme 1

Maya maya pa ay iniupo na ito sa may pader at hinayaan ang mga reporter na tanungin siya. Naginit naman lalo ang ulo ng mga netizens sa kayabangan ng dating ng mga sagot niya.

HULI NA!! Tolongges At Batugan Na Bumaril Sa Mami Vendor, Nasampolan Ni Yorme 2

Ito ay ilan sa mga sagot niya:

Reporter: Anong payo niyo sa mga tao pag naholdap sila?
Kuya: Bigay niyo na lang yung bag para di kayo mabaril. Pera lang yan.

Reporter: May pagsisisi ka ba sa nagawa mo?
Kuya: Magsisi man ako wala magagawa andito nako.

Reporter: May gusto ka bang sabihin sa binaril mo?
Kuya: Pare, pasensya kana, kinausap naman kita ng matino e, ayaw mo kasi ibigay e.

Tolongges at batugan

Sa kalagitnaan ng LIVE ay dumating si Yorme Isko Moreno. Noong una ay tinanong pa niya ito kung bakit daw ba nagawa niya yun. Sabi naman ng holdaper ay hindi naman niya talaga balak barilin ang biktima.

HULI NA!! Tolongges At Batugan Na Bumaril Sa Mami Vendor, Nasampolan Ni Yorme 3

Dito na lumabas ang gigil ni Yorme.

“E tolonges ka pala e, kailangan ng pamilya niya yun, tapos kukunin mo. Batugan ka.”

Napaamin din ni Yorme ang kawatan na ito ay nagddroga daw, pero hindi bumabiyahe.

HULI NA!! Tolongges At Batugan Na Bumaril Sa Mami Vendor, Nasampolan Ni Yorme 4

Kinausap rin ni Yorme kalaunan ang kasama ng biktima nung panahon na barilin siya. Sinabihan niya ito na wag magpapaareglo para tuluyan nang matigil ang mga holdaper.

Galit at hinagpis

Pagkatapos nito, pinapasok ng mga pulis ang kamaganak ng biktima. Pagpasok ng kapatid, nagpasalamat ito kay Yorme ngunit hindi na napigilan na sugurin at hampasin ang holdaper.

HULI NA!! Tolongges At Batugan Na Bumaril Sa Mami Vendor, Nasampolan Ni Yorme 5

Dahil sa sakit na nararamdaman nila, wala na sila nagawa kundi iiyak ang galit at yumakap kay Yorme. Sinasabi naman ni Yorme na wala na silang dapat pagalala dahil matitigil na ang naturang kawatan.

Basahin ang ibang parte ng kwento dito:

Part 1: Pamamaril sa vendor

Part 2: Tukoy na

Panoorin naman ang footage ng News 5 dito:

LIVE | Nahuli na ang suspek sa pamamaril sa tindero ng pares sa Tondo, Maynila. | via Gary de Leon

Posted by News5 on Wednesday, February 19, 2020

Source: News 5

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: