Press "Enter" to skip to content

Huli Sa Sariling Patibong! Mga Batang Nahuli Na Gumawa Ng Mga Patibong Binigyan Ng Leksyon.

Binigyan ng isang hindi malilimutang leksyon ang mga batang nahuli na gumagawa ng patibong para sa kanilang mga volunteer tanod.

Ang eskinita

Sa Brgy, Langkiwa BiƱan Laguna nitong April 8, kung saan hinuli ang nasabing mga bata na siyang gumawaga ng patibong. Ang mga lubid ay kanilang inilalagay sa bawat eskinita upang mang biktima ng mga tanod sa nasabing lugar.

Huli Sa Sariling Patibong!

Ayon sa nag upload ng video na si Arthur Reyes Dimaguila, ang ginagamit ay isang DIY na mga lubid o “tanse” na isinasabit sa madidilim na eskinita at saka magpapahabol ang mga bata. Ang mga tanse ay sadyang mapanganib kung ang mga ito ay hindi mapansin.

Ang nabiktima

Sa katunayan ay isang volunteer na ang kanilang nabiktima na nadisgrasya at nagalusan diumano sa nasabing mga patibong ang iba pa ay sumemplang. Kaya naman panawagan ng mga volunteer kung sino man po ang mga magulang ng mga batang ito ay maturuan naman sana ng leksyon!

Huli sa sariling patibong

Di malilimutang leksyon

Isang concern citizen ang nakapag turo sa mga nasabing bata, kaya naman ng silay ay mahuli ng kanilang tanod ay agad na binigyan ng hind nila malilimutang leksyon. Ilan sa mga ito ang pag pa squat ng nakahawak sa magkabilang tainga habang sila ay pinagbibilang sa gitna ng kanilang kalsada.

Nahuli Sa Sriling Patibong
Huli Sa Sariling Patibong

Ang isa naman sa kasama ay maiyak-iyak pa habang ito ay ginupitan ng buhok at sila ay pinagagalitan dahil sa kanilang ginawa na nag dulot ng kapahamakan para sa mga nasabing barangay tanod.

Humingi ng tawad

Sa kabilang banda matapos silang mabigyan ng leksyon ay isa-isa namang pinahingi ng tawad ang mga kabataan sa kanilang volunteer tanod na kanilang nabiktima. Ang mga bata ay nangako din na hindi na nila ito muling gagawin.

Nahuli Sa Sariling Patibong

Kung ito man ay isang katuwaan lamang para sa mga kabataan, hindi pa rin ito marapat na tularan. Ang ating mga volunteer at brgy. tanod ay tumutulong upang tayo ay protektahan. Mas maiging makipag-kaisa at tumulong para sa ikabubuti ng bayan.

Ito ang video ng pagbibigay ng leksyon:

AKTWAL VIDEO NG MGA BATANG GUMAWA NG PATIBONG PARA SA TANOD, NAGVIRAL NANG BIGYAN NG LEKSYON!

Akalain mong gumawa sila ng patibong tapos magpapahabol sa mga tanod? Pero 'di sila nakaligtas at naturuan pa ng leksyon na talagang 'di nila makakalimutan!

Posted by Pinoy Secret Files on Friday, April 10, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: