Press "Enter" to skip to content

Huli Sa Video! Naka-Supercharge Na Tanod Nanampal Ng Residente!

Isang barangay tanod ang nakuhanan ng video ng bigla niyang sampalin ang residente na nahuli sa gitna ng pinaiiral na Enhanced Community Quarantine.

Enhanced community quarantine

Sa panahon ngayon na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang kalakhang Maynila at ilan pang karatig na probinsiya, inatasan ng pulisya ang mga barangay tanod upang tiyakin na ang mga residente sa kanilang lugar ay hindi lalabas ng kanilang bahay. Ang lockdown ay isinabatas upang mapigilan ang patuloy na paglaganap ng virus sa pamamagitan ng pagkakahawahan.

Huli Sa Video! Naka-Supercharge Na Tanod Nanampal Ng Residente! 2
Credits: Abante TNT

Parusa sa lalabag

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang mga mahuhuling lumalabag sa curfew habang nasa isang buwang lockdown ay maaring hulihin at ikulong.

“Ang tama pong gawin ng ating mga barangay, mga barangay tanod, ay tumulong po kayo para sa inyong lugar na nasasakupan na mapaalalahanan itong mga kababayan natin na mag-stay sa loob ng bahay,” saad ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, hepe ng PNP.

Huli Sa Video! Naka-Supercharge Na Tanod Nanampal Ng Residente! 3
Credits: GMA News Online

Tanod nanampal

Kaugnay nito, isang video ang in-upload ng concerned citizen sa Facebook page ng RED Vines PH. Makikita rito ang ang galit na pagsugod at pagsampal ng barangay tanod sa isang lalaking nahuli dahil sa paglabas ng bahay. Ayon sa tanod, nang hanapan nya ng quarantine pass ang residente, tinakbuhan siya nito at pinagod sa paghabol hanggang sa masita ito ng mga Pulis na nakatalaga sa check-point sa Sta. Cruz, Manila.

Nangatwiran ang residente na wala siyang dalang quarantine pass pero meron naman siyang ID. Hinuli sya at isinama ng mga tanod sa Barangay Hall.

Sari-saring reaksyon

Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang nasabing video. Ayon sa iba, walang karapatan ang tanod na manakit at manampal ng sibilyan kahit na ito ay lumabag sa batas. Dapat daw ay may sapat na seminar ang mga tanod at pairalin ang “maximum tolerance.” May mga nagsasabi naman na mali kasi ang ginawa ng lalaki na pagtakas sa paghuli sa kanya at nasampal lamang siya dahil sa galit at pagod sa paghabol ng tanod.

Huli Sa Video! Naka-Supercharge Na Tanod Nanampal Ng Residente! 4
Credits: ABS-CBN News

Ano ang masasabi ninyo ukol dito? Sa ganitong sitwayon ng kalamidad, dapat lahat tayo ay makiisa at sumunod sa ipinapatupad na batas at manatili na lamang sa ating mga tahanan hangga’t maari.

Source: Facebook

TANOD NANAMPAL , Ang problema kapag walang seminar ang mga tanod, hindi basta mukang matapang at mukang nakakatakot eh pwede na sa tanod kailangan may utak din … Pairalin ang maximum tolerances Sana maaksyunanCtto:/ at sta. Cruz Manila

Posted by RED Vines PH on Friday, March 20, 2020

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: