Press "Enter" to skip to content

HuliCam! Ate, Nagpapahid Ng Laway Sa Dinadaanang Mga Residential Gate

Isang video ang kumakalat ngayon kung saan ay pinaaalalahanan ang mga tao na maging alerto sa kani-kanilang paligid. Isang babae ang namataan sa isang residential CCTV na nagpapahid diumano ng kanyang laway sa mga residential gate sa Pembo, Makati.

Viral post

Sa isang post ng netizen na si Dek, inilahad nito ang pagkadismaya at nakakadiring ginawa ng isang ginang sa kanilang gate at sa katapat nilang bahay. Sa video ay makikita ang babae na palakad lakad sa labas ng kanilang bahay at walang pakundangan na pinahiran ng laway ang kanilang gate. Makikita rin sa video na nagpahid din ito ng kanyang laway sa katapat na bahay ng nagrereklamo. Ayon sa kuhang CCTV, naganap ang insidente noong Apr 11, bandang ala-una ng tanghali.

HuliCam! Ate, Nagpapahid Ng Laway Sa Dinadaanang Mga Residential Gate 2

Preventive measure

Nang ipakita naman ng nagrereklamo ang video sa barangay, sinabihan lamang sila kung bakit hindi nito tinawag para kausapin ang ginang. Anila ay para sa kaligtasan nila, hindi sila sigurado kung ito ay may sakit o wala. Anila ay may mga matanda at baby sila sa bahay kaya hindi na nila sinubok na komprontahin ang babae. Hindi rin umano nila naabutan ang babae dahil huli na nang mapanood at mareview nila ang kanilang CCTV.

Reklamo naman diumano ng barangay,

“Anlaki-laki ng Pembo, paano namin mahahanap?”

Paalala na lamang ng netizen, isama sa pagsasanitize ang mga gate at palagiang mag-iingat.

HuliCam! Ate, Nagpapahid Ng Laway Sa Dinadaanang Mga Residential Gate 3

Update

Ayon sa mga aktibonh netizen, nahuli na ang ginawang na naglalagay ng laway sa mga gate sa Makati. Anila ay tila may problema umano ito sa pag-iisip. Ganunpaman, hindi dapat na hinahayaan ang ginang na magpagala gala sa labas lalo na sa panahon ngayon. Dagdag pa riyan, hanggang ngayon ay wala pang konkretong impormasyon kung ito nga ba ay Covid-19 positive o negative.

Komento ng netizens

Inis naman at galit ang ipinabatid ng mga netizen bunsod ng viral video na ito. Anila ay dapat mas maging maagap ang marami sa atin lalo na at may gumagawa ng mga ganitong bagay sa hindi malamang dahilan. Kaya naman pinapaalalahanan ang marami sa atin na mag-ingat at maging aware sa paligid. Palaging maghugas ng kamay at maging malinis.

Source: Facebook Dek

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: