Press "Enter" to skip to content

HuliCam: Pagsasabong Ng Ilang Residente Sa Barangay 35 Maypajo, Caloocan

Huli sa isang viral video ang pagtutupada ng ilang residente ng Barangay 35 Maypajo, Caloocan. Isang concerned citizen ang naglakas loob na kumuha ng video clip ng aktwal na pagsasabong ng kanyang mga kapitbahay.

Sabong sa barangay 35

Sa kabila ng banta ng pangulo laban sa mga mahuhuling nagtutupada sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa bansa ay tila may iilan pa din ang hindi natitinag. Ilan sa mga residente ng Fishpond, Riverside St o mas kilala bilang Tabing-Ilog, Brgy 35 sa Caloocan ay kita sa video na nagsasabong.

HuliCam: Pagsasabong Ng Ilang Residente Sa Barangay 35 Maypajo, Caloocan 2

Sa video ay makikita ang maraming kumpol ng mga nagsasabong habang ang iba ay nanonood lamang. Kapansin-pansin ang kawalan ng social distancing at marami din ang hindi nakasuot ng face mask. Ang ilan din sa mga ito ay nakahubad ng pang-itaas na damit sa itinuturing na pampublikong lugar. Animo ay parang normal na araw lamang sa nasabing lugar at tila walang umiiral na community quarantine sa bansa.

Pinabura

Ang orihinal na post ng concerned citizen ay diumano binura dahil pinuntahan umano ito ng mga nagsasabong at mga asawa nito. Sa takot ay binura ang post bagaman ay marami na din ang nakapag-save ng kopya ng nasabing video.

HuliCam: Pagsasabong Ng Ilang Residente Sa Barangay 35 Maypajo, Caloocan 3

Hinaing

Hangad ng ilang mga residente ng nasabing barangay ay magpatupad ng lockdown sa kanilang nasasakupan katulad ng sa Maynila. Naglabas naman ng hinaing ang ilang netizens dahil sa diumano ay pagiging pasaway ng ilang mga residente sa gitna ng banta ng pandemic. Anila ay dahil sa mga pasaway na tulad ng mga nagtutupada na ito ay mas humihirap ang trabaho ng ating mga frontliners.

Dagdag pa sa pagpapahirap ay ang mga napapabalitang pagkakaaresto sa mga nahuling nagtutupada na syang benepisaryo ng social amelioration program ng DSWD habang ang iba ay nadedeny na mabigyan ng ahensya. Hangad din ng mga netizens na mabigyan ng aksyon at leksyon ang mga ECQ violators na ito sa tahasang pagsasabong sa gitna ng krisis sa bansa.

Source: Jayjay King

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: