Press "Enter" to skip to content

Hulicam! Pananalbahe Ng Caregiver Sa Alagang Lola Na May Dementia, Huli Sa Video!

Viral ngayon ang video ng pananakit ng isang tagapag-alaga sa isang lola na may dementia.

Pang-aabuso

Inihayag ng netizen na si Frances Martinez kung paano saktan ang kanyang lola ng tagapag-alaga nito. Kinilala ang inirereklamong si Lailyn Paz o mas kilala sa tawag na “Pangga.” Sa video ay makikita kung paano tila ipulupot ni Paz ang isang damit sa leeg ng lola.

Hulicam! Pananalbahe Ng Caregiver Sa Alagang Lola Na May Dementia, Huli Sa Video! 2

Makikita din na tila nanggigigil sa inis ang tagapag-alaga sa lola habang ang huli ay umuungol lamang at tila nagmamakaawa. Makikita sa video na pinipilit ng matanda na lumaban sa babae sa paghagis ng tela na pilit iniipit sa kanyang leeg.

Hulicam! Pananalbahe Ng Caregiver Sa Alagang Lola Na May Dementia, Huli Sa Video! 3

Sa post ni Martinez, nilinaw nito kung bakit pinalayas si Paz bilang tagapag-alaga sa kanilang lola. Aniya ay napatawad na ito ng pamiklya ngunit tila may mga usapan na naririnig ang kanilang pamilya ukol sa sitwasyon.

Hulicam! Pananalbahe Ng Caregiver Sa Alagang Lola Na May Dementia, Huli Sa Video! 4

“SA MGA NAG TATANONG KUNG ANONG NANGYARE AT NAPALAYAS YANG SI PANGGA
PINATAWAD KANA PERO MADAMI PADING NAKAKA RATING SAMING SALITA HA IKAW PA MATAPANG HAHAHA SIGE GHORL WAIT KA LANG MABUBULOK KA DIN SA KULUNGAN”

Panawagan

Nananawagan naman ang tulong ang pamilya nina Martinez upang mabigyan ng hustisya ang pananalbahe ng tagapag-alaga ng kanilang lola.

“HUMIHINGIN PO KAMI NG TULONG PARA PO MA AKSIYONAN ANG GINAWANG PANG SASALBAHE NITONG SI LAILYN PAZ (PANGGA) NA NAKUHA NAMIN TAGA PAG ALAGA SA LOLA KONG MAY DEMENTIA”

Komento ng netizens

Gigil sa galit naman ang netizens matapos na mapanood ang video. Anila ay dapat na maireklamo at maparusahan ito sa ginagawang pang-aabuso sa matanda. Marami naman ang naawa sa naging kalagayan ng lola mula sa kamay ng mapang-abusong tagapag-alaga nito.

May isang netizen naman na nagbahagi na aniya ay suki sa barangay ang inirereklamong babae. Payo ng iba, dapat ay hindi na nito tinanggap ang trabaho kung ayaw nito na magalaga sa matanda. Hirit ng netizens, tatanda din anila ang salbaheng tagapag-alaga at pagbabayaran ang kasamaan nito sa lola.

Source: Frances Martinez

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: