Press "Enter" to skip to content

Huling Linggo Ng Marso Inanunsyo Bilang National Week Of Prayer Ni PRRD Sa Gitna Ng Crisis

Ipinahayag ng Malacanang noong Linggo, na gawin ang ika-4 linggo ng Marso 2020 bilang National Week of Prayer. Ito ay bilang tugon sa krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa sakit na Coronavirus 2019.

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga Pilipinong mananampalataya at lahat ng relihiyon na magkaisa at magsam-sama sa pagdarasal habang ang bansa ay nahaharap sa pandemic ng COVID-19.


Ang Proklamasyon

Pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Proklamasyon Blg. 934 kahapon. Na naglalayong manalangin para sa mga nagdurusa ngayon dahil sa sakit, para sa mga namatayan ng kanilang mga minamahal sa buhay at para sa proteksyon ng lahat ng Pilipino. Lalo na sa mga pinaka mahirap na sektor ng lipunan.

Huling Linggo Ng Marso Inanunsyo Bilang National Week Of Prayer Ni PRRD Sa Gitna Ng Crisis 2


Pananawagan

Nanawagan din ang proklamasyon para sa pagdarasal sa mga nagtatrabaho sa frontlines sa panahon ng krisis. Partikular ding binanggit dito ang mga medical professionals, health workers, militar, law enforcement officers, government officials at iba pang mga Pilipino na nagsasakripisyo sa kanilang buhay sa pagharap sa naturang outbreak.

Ang Pilipinas ay inilagay sa isang state of calamity sa loob ng anim na buwan dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. Ang Luzon ay inilalagay sa enhanced community quarantine upang maiwasan ang banta ng sakit na ito.

Kasalukuyang Bilang

Ayon sa kasalukuyang pagpapatala, ang bansa ay may 380 nakumpirmadong bilang na COVID-19 cases, 25 na bilng ng pagkamatay at 15 bilang ng mga nakarecover.

Tayo ay magkaisa at sama-samang manalangin. Para sa proteksyon at kaligtasan ng ating kapwa at ng Bansang Pilipinas.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: