Press "Enter" to skip to content

‘Huwag Ninyo Kami Sisihin’, Banat Ni Presidente Duterte Sa Publiko

Manila, Philippines – Muling nagbabala sa taumbayan si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 15 na huwag munang lumabas ng tahanan hangga’t kinakailangan dahil hindi pa rin tapos ang laban kontra Covid-19.

Babala sa taong bayan

Matapos ang kaniyang pahayag, pinapaalalahanan niya ang publiko na sumunod sa mga panukala at batas na ipinatu-tupad ng sa gayon walang mapahamak at hindi na lomobo pang muli ang kaso ng pandemya.

'Huwag Ninyo Kami Sisihin', Banat Ni Presidente Duterte Sa Publiko 2
Photo Credits: The Star

Aniya,

“Hindi ko kayo mapigilan na lumabas. Hindi ko kayo mahuli lahat. Ang problema pati mga bata…you allow children to go out when the place is not yet ready for them outside, at nagkasakit sila, wag ninyo kaming sisihin. Do not forget that we warned you about the grave consequences.”

Paalala sa publiko

Kaniyang pinapaalalahanan ang publiko sa posibleng masamang mangyayari sa kalusugan kapag ipinag patyloy ang pag labas.

Dagdag pa ng Pangulo,

“Madami pa ang namamatay.”

Samantala, nawagan din ito sa mga Pilipino na panatilihin pa rin ang pag-obserba sa mga ipinatutupad na health protocols katulad ng physical distancing at pagsusuot ng face masks.

'Huwag Ninyo Kami Sisihin', Banat Ni Presidente Duterte Sa Publiko 3

Batay sa datos noong Lunes, Hunyo 15, aabot na sa 26,420 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa, kabilang ang 1,098 na nasawi at 6,252 na gumaling.

Inamin naman ni Duterte na hindi siya sigurado kung nasa second wave o pangalawang bugso na ng Covid-19 infections ang bansa dahil patuloy pa rin aniya ang pag-akyat sa bilang ng mga kaso.

Pag tutol sa pasukan

Binigyang diin naman ng pangulo ang kanyang mariing pagtutol sa pisikal na pagdaraos ng klase sa mga silid-aralan hangga’t wala pang bakuna laban sa nakakamatay na sakit.

'Huwag Ninyo Kami Sisihin', Banat Ni Presidente Duterte Sa Publiko 4
Photo Credits: Rappler

Ani niya,

“Sa pagnanais niyong pumasok ng klase, ang kapalit niyan is really… the COVID is still here. Instead, we will follow a blended learning approach. Bahagi ng estratehiyang ito ay ang distance at online learning gamit ang teknolohiya at mga gadyet.”

Source: The Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: