Press "Enter" to skip to content

‘I-hub’, Inilunsad Ng Isang Bayan Sa Ilocos Norte

Ang local goverment unit ng San Nicolas sa Ilocos Norte ay pinasinayaan noong Huwebes, Hulo 23 ang bagong-ayos na “i-hub” o internet center upang matustusan ang mga nag-aaral sa ilalim ng new normal education system.

Pagpapatayo ng i-hub

Sinabi ni Town Mayor Alfredo Valdez, ang center, na matatagpuan sa tabi ng gusali ng munisipyo, ay kasalukuyang nilagyan ng 12 computer na may high-speed internet. Ang mga mag-aaral na walang personal na computer o iba pang gadget sa pag-aaral ay maaaring pumunta at maghalinlinan sa pag-download ng kanilang learning modules sa pasilidad.

'I-hub', Inilunsad Ng Isang Bayan Sa Ilocos Norte 2
Photo Source: We Support Mayor Alfredo P. Valdez Facebook Page

Ayon kay Valdez, hindi bababa sa isang yunit ng computer na idinisenyo para sa differently abled person ay magagamit din sa municipal i-hub, pati na rin ang mga libro sa pang-edukasyon at iba pang learning resources. Mayroon din itong maginhawang mga espasyo para sa pagbabasa habang ang kape at iba pang mga pampalamig ay mayroon sa cafeteria.

Dagdag pa niya,

“We likewise have available space for other public or private schools if they have spare computers to be used by their students in our library.”

(Kami ay mayroon ding magagamit na espasyo para sa iba pang mga pampubliko o pribadong paaralan kung mayroon silang mga extrang computer na gagamitin ng kanilang mga mag-aaral sa aming library.)

Pag-iwas sa overcrowding

Upang maiwasan ang overcrowding ng mga mag-aaral sa i-hub, sinabi ng alkalde na kanilang ika-cluster ang mga barangay tulad ng ginagawa nila sa San Nicolas public market at mag-post ng schedule para sa mga nag-aaral sa bawat nayon.

Bilang karagdagan sa i-hub, ang bawat barangay sa bayan ng San Nicolas ay binigyan din ng isang computer at printer kung saan maaaring magtungo ang mga mag-aaral anumang oras.

Habang ang bansa ay patuloy na lumalaban sa coronavirus disease (Covid-19) health crisis, pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magkakaroon ng mga klase na “face-to-face” sa high-risk areas hanggang magkaroon na ng bakuna.

Hakbangin bago ang balik-eskwela

Sa Ilocos Norte, ang mga online class simulations ay kasalukuyang isinasagawa upang ihanda ang mga guro at mag-aaral para sa pagbubukas ng mga klase.

'I-hub', Inilunsad Ng Isang Bayan Sa Ilocos Norte 4
Photo Source: WIkipedia

Ang mga lokal na opisyal ay nakikipag-ugnayan din sa Department of Education sa inaasahang distance learning program para sa mga mag-aaral.

Isa sa mga isinasagawang aktibidad ay ang patuloy na pag-upgrade ng mga pampublikong aklatan o i-hubs upang matiyak na ang lahat ng mga mag-aaral sa probinsya ay may pantay na pag-access sa lahat ng mga modalities sa pag-aaral.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: