Press "Enter" to skip to content

“I Will Close You Down” Babala Ng Pangulo Sa Courier Sa Mishandling Ng Mga Parcels!

Manila, Philippines- Sa pahayag ni Pangulong Duterte nitong Martes ika-30 ng Hunyo, kasabay nito ay nagbigay ito ng babala sa J&T Express at sinabing ito ay kaniyang ipasasara. Ito ay dahil sa kaliwa’t-kanan na reklamo dito tungkol sa mishandling ng mga parcels.

Pagpa-imbestiga

Sa televised briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ay direkta nitong inutos sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sa National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ng mga ito ang courier ng J&T Express.

Pagpa-imbestiga- Parcels
Photo Credit: Youtube

Ani Pangulo,

“There’s one (company) over which I often receive complaints. You better shape up. I’d like you to know that I’m ordering now the CIDG… and the NBI to investigate you and the BIR to look into your finances,”

Ang ilan sa reklamo

Ang ilan sa reklamo na binaggit ng Pangulo na nakarating sa kaniya ay ang kamakailan lang na nag-viral na video. Ang nasabing video ay ang nagliliparang mga parcels na inihahagis ng kanilang mga tauhan sa sasakyan na kanilang idini-deliver sa mga konsyumer.

Ilan Sa Reklamo- Parcels
Photo Credit: Youtube

Dagdag pa ng Pangulo ay maliban dito ay may reklamo din na pinagpapalit-palit din umano nito ang mga item ng parcel.

Ang babala

Ang babalang ito ng Pangulo ay dahil sa mga naturang reklamo sa nasabing courier gayundin, ang tungkol sa kumalat na video. Samantala, sa pagsisiguro ng Pangulo ay sinabi nito na kung matapos ang imbestigasyon dito at napatunayan na may pananagutan ang nasabing kumpanya sa mga reklamo ay ipasasara niya ito sa ayaw at sa gusto ng mga ito.

Ang Babala- Parcels
Photo Credit: Youtube

Aniya,

“Because of the so many complaints, I will close you down. That’s for sure. I will close you down — whether you like it or not — after the CIDG and NBI finish their investigation and point to you as having a liability.”

Sa ngayon ay wala pang kumento ang nasabing courier sa pahayag na ito ng Pangulo.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: