Press "Enter" to skip to content

“I Will Trace You”: Angel Locsin, Nambully Ng Netizen Dahil Natalo Sa Isang Debate?


Trending ngayon sa Twitter ang palitan ng opinyon sa pagitan ng aktres na si Angel Locsin at isang netizen. Ito ay matapos bully-hin umano ni Locsin ang netizen ng makitang talo siya sa diskusyon.

Hinaing ni Darna

Ayon kay RJ Anglao, binantaan siya ni Locsin dahil lamang hindi nito makaya ang init ng kanilang diskusyon sa Twitter. Nagsimula ito sa tweet ni Locsin tungkol hinanakit niya sa pagkakasara ng ABS-CBN na siyang kanyang pinagtatrabahuhan.

“I Will Trace You”: Angel Locsin, Nambully Ng Netizen Dahil Natalo Sa Isang Debate? 2

Ayon kay Locsin, pinag-iinitan ang ABS-CBN kaya ito napasara. Mas inuna pa umano ng ng gobyerno na anti-terror bill at pagpapalit ng pangalan ng airport kesa pagtuunan ng pansin ang problema laban sa COVID-19. Sana rin umano ay may plano ang pamahalaan para sa maraming empleyado na nawalan ng hanapbuhay.

Komento ni Anglao

Sa comment ng ng Twitter account na TIO MORENO na pangmamay-ari ng Anglao, tinanong niya kung alam ni Locsin na dapat ay pasado na ang House bill no. 6815 kung hindi lang sana tinatalakay ngayon sa Senado ang prangkisa ng ABS-CBN.

“I Will Trace You”: Angel Locsin, Nambully Ng Netizen Dahil Natalo Sa Isang Debate? 3

Ani Moreno, “Have you heard about the House Bill (HB) No.6815 or the Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy of the Philippines (ARISE Philippines)?. This is supposed to be passed now if not because of ABS-CBN franchise hearing.”

Mainit na debate

Sinagot naman ito ni Locsin na aprubado na noong Hunyo pa ang ARISE bill. Marahil daw ay hindi ito alam ni Moreno na gumamit ng alyas na Informed folk. Naging mainit pa ang mga sumunod na palitan ng diskusyon at opinion sa pagitan ni Locsin at Moreno.

Nang mapansin umano ni Locsin na natatalo na siya sa usapan ay pinagbantaan na niya si Moreno. Bintang ni Locsin, fake account lamang ang gamit ni Moreno na tinawag niyang “kuya girl”. Ani pa ni Locsin, kung hindi ito titigil ay hahanapin niya si Moreno maging ang employer nito at pamilya.

“Kuya girl, we all know this account is fake plus you are handling different account. Let me give you a heads up, if you don’t stop flooding my page with nonsense, I will trace you and tap your employer, your family, anything. So please just stop. Thank you.”

Nambully nga ba

Ayon kay Anglao, malinaw na pambabanta ang ginawang ito sa kanya ni Locsin. Nilinaw niyang hindi fake account ang gamit niya at pinalitan niya ng tunay niyang larawan ang kanyang profile pic.

Umaasa si Anglao na makikipag-usap si Locsin sa kanya ngayon napatunayan niyang hindi fake account ang gamit niya subalit binlock na lamang siya bigla ni Locsin.

Kinlaro din niya na hindi siya napapa “victim”. Katunayan, fan umano siya ni Angel at naging isa pa siya sa pagtatanggol sa aktres laban sa body shaming na hinaharap ngayon ni Angel dahil sa pagtaas ng timbang nito.

Source: Krizette Laureta Chu

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: