Press "Enter" to skip to content

IATF Hindi Sang-ayon Sa Self-isolation Sa May Mild At Asymptomatic Sa COVID-19!

Matapos ang naging anunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, cochair of the Inter-Agency Task Force sa bago nitong policy noong Linggo, ay kasama nitong binanggit ang panganib na dala ng self-isolation ng mga may mild o asymptomatic sa COVID-19.

Pag-discourage ng IATF

July 13- Ayon sa radio interview kay Nograles ay sinabi nitong dini-discourage diumano nila ang self-confinement para sa mga asymptomatic or infected pero hindi nagpapakita ng anumang sintomas sa nasabing virus. Ito ay dahil sa dalang panganib ng virus na ito na makahahawa sa ilang miyembro ng pamilya na kasama sa tahanan. Si Nograles ay cochairman ng Inter-Agency Task Force na siyang namamahala sa umuusbong na nakakaimpeksyong sakit.

Aniya,

“We are now discouraging home quarantine. The danger of home quarantine is contracting the disease. There is a bigger danger that the disease will spread among family members,” 

Ang pressure ng mga hospital

Samantala, dahil sa pressure ng mga hospital ay nauna ng sinabi ng Department Of Health (DOH) ay sinabi nito na maari naman diumanong mag self-isolate na lang ang may mga mild and asymptomatic na sintomas sa nasabing virus.

Pressure- Hospital
Photo Credit: Wikipedia

Matatandaang marami sa mga hospital sa Metro Manila ang nag report na malapit na umano maabot ang kapasidad ng mga ito sa pagtanggap ng mga pasyenteng tinamaan ng nasabing sakit dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naiimpeksyon nito.

Ang home quarantine

Gayunpaman, kasabay ng sinabi ng DOH na maaring mag self-isolation o home quarantine ang asymptomatic ay sinabi din na kailangan diumano mayroon itong sarili kwarto, restroom at iwasang hindi magkaroon ng contact kahit sinuman sa miyembro ng pamilya nito upang maiwasan ang posibleng pagkakahawa.

Ang Home Quarantine- Hospital
Photo Credit: DOH

Ang home quarantine ay maari naman gawin sa loob ng 14 days isolation na may pahintulot ng isang health authorities. Ang 28 days self confinement ng pasyente ay kailangan imonitor ng ilang barangay health officers.

Pampublikong quarantine area

Samantala, nagpaggawa naman ang gobyerno ng ilang mga quarantine facilities para sa may mga mild o asymptomatic na sintomas na pampubliko gaya ng Philippine International Convention Center, Rizal Memorial Stadium, and World Trade Center. Ang quarantine facility na ito ay kayang mag occupy ng 3,193 beds, na nasa 38.76 pursyento ng na occupy simula noong July,10.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: