Press "Enter" to skip to content

IATF: Pagbubukas Ng Klase Sa Pasukan, Iuurong Sa Setyembre

Manila, Philippines – Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na iurong sa Setyembre ang pagbubukas ng klase ng 2020-2021 school year.

Rekomendasyon

Ang rekomendasyon ay isinulong ng IATF dahil sa pagpapalawig ng community quarantine sa ilang lugar sa Pilipinas upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na covid-19 sa bansa.

Ang rekomendasyon ay binasa ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Aniya, “Maski po low to moderate risk (areas) considered for 100% closure pa rin—dahil ang mga transmitters ay mga kabataan mula edad 0-20.”

Sec. Roque - IATF
Credits: Inquirer

“Lahat ng eskuwelahan i-consider po ang late opening sa Setyembre, except po sa online learning,” dagdag pa niya.

School opening

Nauna nang ipinahayag ni Education Secretary Leonor Briones na may ilang eskuwelahan na pinag-aaralan na ang pagbubukas ng mga klase sa August imbes na sa June. Ito ay para maiwasan ang pagkakasabay-sabay ng pagpasok at ang pagkalat ng sakit.

Gayunpaman, pinag-iisipan din ng DepEd ang rekomendasyon ng IATF hinggil sa pagbubukas ng klase sa Setyembre.

DepEd -IATF
Credits: Manila Bulletin

Sinabi ni Sec. Briones na maari pa ring magtapos ng Marso ang mga klase kung regular na magkakaroon ng pasok ng Sabado.

Alternatibong aralin

Ang isa pang pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ay ang pagbibigay ng mga aralin sa pamamagitan ng telebisyon at radyo. Ito ay kung patuloy na hindi makakalabas ng bahay ang mga estudyante dahil sa COVID-19 lockdown.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, ang pagbubukas ng school year 2020-2021 ay hindi naman nangangahulugan lamang ng pagpasok ng mga estudyante sa paaralan.

ICT-IATF
Credits: Ayalaweboui

Aniya, “Sa mga lugar na hindi posible ang classroom-based instruction, tinitingnan natin itong ICT (information and communication technology) platforms saka ang telebisyon, radyo.”

Aprubado ng Pangulo

Inaprubahan na ng Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng IATF na iurong sa Setyembre ang pagbubukas ng 2020-2021 school year.

Samantala, nilinaw din ni Sec. Roque na ang late na pagbubukas ng mga klase ay para sa DepEd at hindi sakop ang colleges at universities.

Ayon kay Commission on Higher Education (Ched) Chairperson Prospero de Vera III, ang mga higher education institutions ay maari ring mag-adjust ng kanilang academic calendars sa gitna ng coronavirus pandemic.

Narito ang video ng pahayag ni Sec. Roque:

Credits: Inquirer.net

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: