Browse By

Ibalik Ang Lagim – Limang Nakakakilabot Na Kwento Sa “Ang Gabi Ng Lagim”

Noon, may isang sikat na programa sa radyo na tinatawag na “Gabi ng Lagim,” at ito ay punong-puno ng mga radyo-dramang horror at suspense. Tinututukan ito ng marami at naeengganyo sa pagkinig ang karamihan.

Nandito nanaman muli ang panahon ng Halloween at Undas, at lumalabas muli ang mga kwento ng kababalaghan at misteryo. Balikan natin ang limang kwento na nakakakilabot sa listahang ito. Ang kinagandahan nito ay maririnig natin muli ang mga episodes na ito sa YouTube ng buo.

Ang Babae Sa Gubat

Photo Credit: Erik Mclean – Pexels.com

Ang kwentong ito at tungkol sa dalawang lalaki na, habang sila ay lasing, ay nagkalat ng kanilang basura habang sila ay nagkakamping sa kagubatan. Dahil sa kanilang pagwalang galang sa gubat, nagalit ang ilang dwende at engkanto sa dalawang lalaki at gumawa sila ng paraan para gantihan ang mga ito. Nasira ang kanilang mga supply at napaisip ang dalawang umalis na lamang at bumalik patungong Maynila.

May isang matandang babae na palaging sinasabi sa kanila na ang kanilang mga ginagawa ay nakakasira sa kagubatan, at may magiging kapalit. Hindi nakikinig ang dalawa at sinabing baliw ang matanda. “Maniningil ang kalikasan” ang paulit-ulit sinasabi ng matandang babae. Kung nais ninyong malaman kung ano ang magiging kapalaran ng dalawa, makinig kayo dapat sa programang ito.

Ang kwento na “Ang Babae sa Gubat” ay isa sa mga magandang kwento tungkol sa pagrespeto natin sa ating kapaligiran, lalo na’t kung hindi natin alam ang lugar na ating nilalakad. Maaaring may magalit kung hindi natin inalagaan ang kapaligiran.

Voodoo

Photo Credit: Mitja Juraja – Pexels.com

Ito ay isang kwento tungkol sa isang pamilya na pinahihirapan ng isang lalaki na nahalubilo sa asawa ng ibang tao at gumagamit ng voodoo upang ma-brainwash siya ng buo, at maging sunud-sunuran sa kanya.

Habang tumatagal, mas lalo lang lumalalim ang kapangyarihan ng kontrabida sa babaeng asawa. Makakahanap ba ng paraan ang pamilya ng babae upang maligtas ang kanyang minamahal sa salamangkerong ito? Tutukan natin ang kwentong “Voodoo” upang malaman ang kasagutang ito.

Ang Tiniwalag Na Anghel

Photo Credits: biblestudytools.com

Ang pag-ibig ay isang napakaespesyal na pakiramdam. Gagawin mo ang lahat para lamang sa taong iyong tunay na minamahal, at kayang lakarin ang buong mundo para lamang sa kanya. Ito ang pinakamagandang regalo ng Diyos para sa tao.

Kung ikaw ay nagmamahal sa isang tao, sila ay aalagaan mo at poprotektahan, at kaya mong magsakripisyo ng kahit ano, pati ang iyong buhay. Ngunit, magagawa rin ba ito ng isang anghel na nagmamahal sa isang mortal?

Alamin natin sa kwentong “Tiwalag Na Anghel.

Higanti Ng Mangkukulam

Photo Credits: lilartsy – Pexels.com, quotesgram.com

Matindi ang kapangyarihan ng isang kampon ng kadiliman, lalo na kung ito ay punong-puno ng galit at nais makipaghiganti laban sa lahat ng umapi rito. Maaaring makadulot ang ito ng matinding paghihirap, pagkakasakit, o kamatayan.

Sa kwentong ito, nagpapaturo ang isang lalaki kung paano gumamit ng kulam, ngunit nais laman niyang gamitin ito bilang isang paraan para makapaghiganti laban sa isang babaeng nagpahiya sa kanya sa bar at yumaman.

Magtatagumpay kaya ang kadiliman, o mayroon bang lalaban sa kampon ng kadiliman na ito? Abangan natin sa kwento ng “Higanti Ng Mangkukulam.

Antigong Manika

Photo Credit: James Sutton – Pexels

Madalas natin makita ang mga antigong bagay sa mga Antique Shops at minsan hindi biro ang kanilang presyo. Ito ay dahil sa kanilang value na tumataas over time, o maaaring collector’s item siya nuong araw, at posibleng may kwento tungkol sa paggawa ng bagay.

Ngunit hindi lahat ng mga nakadisplay ay dapat bilhin. Minsan ito ay nagbibigay ng matinding kamalasan o sumpa, at mapapahamak nito ang bumili sa antigo.

Ano kayang kababalaghan ang mayroon sa “Antigong Manika,” at paano mawawala ang sumpa nito?

Konklusyon

Sa lahat ng kwento ng Gabi ng Lagim, mayroon silang mga moral lesson na natutunan, na nababalot sa isang nakakakilabot na kwento. Kaya ito naging sikat na programa dahil maliban sa natututo ka ng mga magandang asal, naeentertain ka rin habang gumagana ang iyong imahinasyon. Kahit tapos na ang programa at hindi na mapapakinggan sa radyo, mapapanood pa natin ang ito sa YouTube.

Leave a Reply

Your email address will not be published.