Press "Enter" to skip to content

Ibinalik Ng Pilipinas Ang Tone toneladang Basura Ng South Korea

Sa isang email na pahayag, sinabi ng BOC na ang huling pagpapadala ng 80 na container van, na may lamang basura at ilegal na nakakapasok ng Pilipinas, ay naipabalik noong Martes Agosto 4, 2020 lulan ng MV MAHIA.

Basura ng korea

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), ibinalik ng bansa ang 6,000 na metrikong tonelada ng basura mula sa Pyeongtaek City, South Korea, ulat nito lamang Miyerkules. Ang muling pageexport ng 251 na mga container van na may lamang mga basura mula korea ay nagsimula noon Enero kasalukuyang taon.

Ibinalik Ng Pilipinas Ang Tone toneladang Basura Ng South Korea 2
Photo Credit: GMA News

Naantala lamang ito dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na lockdown, na ginawa upang mapigilian ang pagkalat ng Corona virus.

“The re-exportation of the wastes to South Korea is due to the failure of the consignee to secure prior import permit from the Department of Environment and Natural Resources (DENR) and for its misdeclaration of the waste shipments as ‘plastic synthetic flakes’,” ayon sa Bureau of Customs (BOC).

Idineklarang plastic synthetic flakes

Nakumpirmang ang mga pinadalang basura sa bansa ay naka consigned sa Verde Soko Philippines Industrial Corp. Ipinadala ng magkahiwalay ang mga container van sa magkaibang okasyon sa bansa.

Ibinalik Ng Pilipinas Ang Tone toneladang Basura Ng South Korea 3
Photo Credit: Facebook

Ang isa ay may kargada na naglalaman ng 5,176 metrikong tonelada ng iba’t ibang plastik, at ang isa naman ay (51×40) na lalagyan na naglalaman ng mga basurang materyales. Ang dalawa ay idineklarang mga plastic synthetic flakes.

Noon pa nagpapadala

Matatandaang, ipinadala na rin ng Pilipinas ang ilang  container van na may 2,676 metrikong toneladang basura. Ito ay kasama sa bahagi ng 5,176.91 metrikong tonelada na iligal na na-import sa Pilipinas mula South Korea noong 2018.

Ibinalik Ng Pilipinas Ang Tone toneladang Basura Ng South Korea 4
Photo Credit: NEWS5

Ang basura ay naipdaala na pabalik sa 151 40-footer na mga container van. Ang unang batch ng 51 na lalagyan nga basura ay naipadala noong Enero 25, 2019, ang pangalawang batch ng 50 lalagyan naman ay noong Enero 15,2020, at pangatlong batch na 50 lalagyan noong Marso 21, 2020.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: