Press "Enter" to skip to content

Idol Raffy Inaksyunan Ang Chinese Na Nanghablot Ng Pera Ng Rider

Inaksyunan ng programa ni idol Raffy na Raffy Tulfo In Action ang nag viral na video ng pang haharass ng isang Chinese sa nakabanggan nitong rider kung saan inagawan nito ang rider ng pera na pambili sana ng gamot.

Ang insidente

Ang insidente ay nangyari sa kalagitnaan ng kalsada sa ParaƱaque City kung saan ang Chinese na si JP QUI ay inagaw ang pera ng rider na nagkakahalaga ng 2,600 libong piso na pambili sana nito ng gamot. Ang dahilan, ang motorsiklo ng rider na si Jaime Ner Cabilao nasagi ang sasakyan nitong Montero na pinagmulan ng kanilang alitan at pang-aagaw ng pera.

Ang Insidente- Ang Chinese
Photo Credit: Youtube

Si Jaime ay nakiusap sa Chinese na aregluhin ang nangyari sa maayos na paraan at sinabi na handa naman umano nitong harapin ang kanyang aberya na naidulot dito, ngunit hindi ito pinakinggan. Sinabi pa ng tsino na wala umano syang kinatatakutan kahit si Raffy Tulfo o kung kanino pa man magsumbong ang nasabing rider.

Ang pag-imbestiga

Ang report na ito ng rider ay nakarating naman sa nasabing programa at agad na tinugunan ni idol Raffy. Inirepot nito ang insidente kay PNP Chief Elezar at kay General Manager MMDA “Jojo” Garcia at sinabing imbestigahan ang insidente at kasuhan ng mga ito ang tsino sa hindi makatarungang ginawa nito sa rider. Dagdag pa dito ay binalaan pa ni idol ang tsino na panindigan nito ang kanyang sinabi na hindi ito natatakot sa kanya.

Ang Pag-imbestiga- Ang Chinese
Photo Credit: Youtube

Matapos ang ginawang pagpapa -imbestiga ng programa tungkol sa reklamong ito, ay inalok pa nito ng tulong ang rider na si Jaime. Sinabing bibigyan nya ito ng 5,000 piso kapalit sa pera na inagaw sa kanya na nakalaan sana pambili ng gamot. Maliban dito ay sinamahan pa nang grocery na pagkain at iba pang pangangailangan ng pamilya nito.

Samantala sinubukan naman kontakin ng programa ni idol ang nasabing tsino upang ito ay makapanyam at hingan ng paliwanag sa nangyaring insidente.

Narito ang video

Sa iba pang balita at update sa mga susunod na pangyayari maaring bisitahin ang pinasbalita.org

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: