Press "Enter" to skip to content

Idol Raffy, Nagsalita Na Sa Isyung Kumikita Siya Ng 2-Bilyon Sa Isang Taon!

Sa latest episode ng Raffy Tulfo In Action ay nagsalita na si Idol Raffy ukol sa kumakalat na write-up ukol sakanya na kumikita ito ng dalawang bilyon sa isang taon. Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng write-up na ito? Tunay ba o fake news lamang?

Walang katotohanan

Nilinaw ni Raffy Tulfo sa kanyang show na walang katotohanan ang kumakalat na write-up ukol sakanya na kumikita ito ng dalawang bilyon sa loob ng isang taon sa kanyang Youtube account. Aniya, kung pagsasamahin pa ang sahod nito sa TV5, endorsements, premium, advertisements, pati na din ang kanyang kinikita sa Youtube ay hindi aabot sa isang bilyon. Mas lalo naman na hindi din ito aabot ng dalawang bilyon na syang nakalathala sa isang write-up ng isang sikat na entertainment website.

Idol Raffy, Nagsalita Na Sa Isyung Kumikita Siya Ng 2-Bilyon Sa Isang Taon! 2

Nagrerenta lamang

Ibinahagi pa ni Idol Raffy na kasalukuyan itong nagrerenta ng isang bahay dahil sa pinagiba nito ang kanyang pag-aaring bahay upang mapaalis ang mga daga at ipis. Hindi din matapos-tapos ang pagpapagawa nito ng bahay dahil mas prayoridad nito ang pagtulong sa mga nangangailangan. Natatawa pa nitong ikinuwento na hanggang sa nilipatang bahay ay nakasama pa ang mga tinatawang nitong “mabait” at “makulit” na syang nakakapinsala sa kanilang kagamitan. Hirit pa ni Idol, kung mayaman ito ay disin sana ay lumipat na ito sa mga pang-mayaman na subdivision.

Idol Raffy, Nagsalita Na Sa Isyung Kumikita Siya Ng 2-Bilyon Sa Isang Taon! 3

Pinapagawang bahay

Patunay pa nito, dalawang sapatos nito ang napinsala ng mga daga sa kanilang bahay. At ang pagkadelay ng pagpapagawa ng kanyang bahay ay isa lamang sa mga indikasyon na hindi ito kumikita ng bilyon. Paglilinaw nito, hindi pa sya bilyonaryo.

Idol Raffy, Nagsalita Na Sa Isyung Kumikita Siya Ng 2-Bilyon Sa Isang Taon! 4

Reaksyon ng netizens

Nagpabatid naman ng suporta ang mga netizen kay Raffy Tulfo. Anila, kung kumikita man ng bilyon si Idol Raffy ay deserve naman nito ang kinikita dahil sa sobra-sobrang pagtulong nito sa mga nangangailangan. Mas lalo itong kinabiliban at hinangaan ng mga netizen dahil sa taglay nitong pagiging mapagkumbaba.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: