Press "Enter" to skip to content

Idol Raffy Pinabilib Ng Isang Lalaki Matapos Itong Bigyan Ng P20k Cash Na Tulong!

Isang lalaki ang nagpabilib kay Idol Raffy matapos itong bigyan ng P20,000 libong piso bilang tulong, nang sabihin nito na ang natanggap na tulong ay kanya ding ibabahagi sa mga kapatid nito.

Ang panayam

Si Ralph Lañocsan isang residente ng Tubod Iligan City ang nag comment sa isang video ni idol sa Raffy Tulfo In Action sa Youtube kung saan ito ay humihingi ng tulong dahil sa hirap ng sitwasyon na kanilang nararanasan ng kanyang pamilya bunsad ng naging malawakang lock down.

Ang Panayam- Idol Raffy
Photo credits: Youtube

Sa kanyang panayam kay idol Raffy sinabi ng lalaki na hirap na talaga ito sa kanilang sitwasyon dahil sa no pay no work kaya’t wala din itong kita sa kanyang trabaho bilang welder. Nakakatanggap man ito ng may 4 na kilong bigas at ilang delata na ayuda mula sa kanilang barangay ngunit hindi pa din ito sumasapat. Sa kantunayan nga nag lulugaw na lang ito upang mapagkasya nila ng kanyang pamilya ang nakukuhang rasyon tuwing makalipas ang dalawang linggo.

Dahilan ng paghingi

Dagdag pa nito na ang kanyang asawa ay nakunan pa sa ikatlo nilang anak at dahil wala silang pera at kakayanan kaya hindi nito matugunan ang gamutan nito. Kaya naisipan nito na gumawa ng isang video kung saan ito ay humihingi ng tulong at ipinakita pa nito ang kanilang kaldero na walang laman.

Ang Dahilan- Idol Raffy
Photo credits: Youtube

Sa awa ni Idol Raffy dito ay agad sinabihan ang kanyang mga lingkod na padalhan agad ang nasabing lalaki ng tulong na nagkakahalaga ng P20,000 libong piso upang ipambili ng kanilang makakain, gatas, gamot at bitamina ng kanyang asawa’t dalawang anak nito.

Ang resulta ng tulong

Lubos naman ang pasasalamat ng lalaki dito at bago matapos ang kanilang pag-uusap ay sinabi nito na ang tulong na ito na kanyang matatanggap ay kanyang ibabahagi din sa mga kapatid na tulad nitong nahihirapan din ngayong panahon ng krisis.

Resulta- Idol Raffy
Photo credits: Youtube

Dahil dito ay lubhang napabilib at napahanga nito si idol Raffy at sinabi na sa kabila ng nararanasan di umano nitong hirap ngayon ay nagawa pa nitong maisip na magbahagi sa iba.

Source: Youtube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: