Press "Enter" to skip to content

Idol Raffy, Sinaklolohan Ang Dating Aktor Na Si John Regala

Manila, Philippines – Dininig ni Idol Raffy ang boses ng karamihan matapos manawagan ang maraming netizen na sana’y kaniyang matulungan ang sikat na aktor noong dekada 80 na si John Regala.

Viral post

Viral ngayon ang mga litrato ng dating aktor na si John Regala kung saan nakuhanan siyang mag-isa at humihingi ng tulong sa mga taong dumadaan sa mga lansangan ng Pasay.

Idol Raffy, Sinaklolohan Ang Dating Aktor Na Si John Regala 2

Ayon kay Carl Nathan, napansin niya ang dating aktor na nakaupo sa isang sulok sa tapat ng pizzeria sa Baranggay 183 Pasay. Agad niya itong nilapitan matapos niyang makitang nanghihina ito at tila balisa.

Wika ni Carl,

“Siya po si Mr. John Regala. Ang sikat na kontrabida na humingi nang tulong po kase nahihilo siya. May hinahanap siya na nurse. Ang kaso di ko po siya maintindihan kase po medyo utal na po magsalita dahil nahihilo po siya kaya humingi siya nang tulong saken.”

Idol Raffy, Sinaklolohan Ang Dating Aktor Na Si John Regala 3

Agad naman rumisponde ang mga tanod at opisyal ng Barangay 183 nang humingi si Carl ng tulong sa kanila.

Salaysay ni Carl,

“Agad naman po akong lumapit sa mga tanod at pulis na para matulungan dito po siya sa lugar nang Brgy. 183 Pasay City tapat nang Lots a Pizza. Masakit lang isipin na ang dating idolong kontrabida ay nasa ganyang kondisyon.”

Idol Raffy, Sinaklolohan Ang Dating Aktor Na Si John Regala 4

Pagpapatuloy pa ni Carl na nagtatrabaho bilang rider sa branch ng isang sikat na fast food chain sa Pasay, minabuti niya munang manatili para samahan si John habang hinihintay ang mga health workers.

Panawagan ng netizen

Agad naman nag viral ang post ni Carl at umani ng ibat ibang reaksyon mula sa netizen. Marami ang nagpa abot ng pagkagulat sa sinapit ng kanilang idolo habang ang iba naman ay nanghinayang sa kaniyang nawalang karera sa showbiz. Meron din na mga netizen na gumamit ng hashtag ni Idol Raffy upang pukawin ang atensyon ng grupo at matulungan si Regala.

Idol Raffy, Sinaklolohan Ang Dating Aktor Na Si John Regala 5

Ngayon araw, dininig ni Idol Raffy ang netizens at kinausap nito si Regala. Tinanong din ni Idol kung saan ang pamilya nito at kung ano ang kaniyang kalagayan.

Ayon kay Regala,

“Iniwan na po ako ng asawa ko Sir Raffy at suko na po ako. Nasa pandacan po siya ngayon. Ako po ay may sakit na liver cirrhosis at may tubig na po ang tiyan ko. Nahihirapan na po ako at gusto ko na lang sumunod sa Mama ko dahil di ko na alam pano ako mabubuhay.”

Mangiyak-ngiyak na kwento ni Regala. Ayon pa sa kaniya, bagamat tinutulungan siya ng kaniyang kaibigan sa pananampalataya ay hindi pa din ito sapat sa pang-araw araw.

Saklolo ni Idol

Dahil sa narinig ni Idol, agad nitong sinabihan si Regala na bibigyan niya ito ng P100,000 para makapag simulang muli. Dagdag pa dito ay magbibigay din siya ng salapi para sa pangpapagamot ni Regala.

Ani ni Idol,

“Sa ngayon po sir, may papauntahin po ako na reporter jan. Lahat po ng klase ng tulong mag bibigay po ako. Magbibigay din po ako ng isang daang libong piso, bukod pa diyan ay magbibigay din ako ng pang gamot at grocery ninyo.”

Di makapaniwala si Regala sa kaniyang narining at napaiyak na lamang ito sa sobrang pasasalamat ki Idol Raffy. Sa ngayon ay umaasa si Regala na makakabalik siya sa showbiz at muling makabangon sa kaniyang kinakaharap na dagok sa buhay.

Source: Idol In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: