Press "Enter" to skip to content

Idol Raffy Tulfo, Bumiyahe Papuntang Isabela Para Tugunan Ang Isang Kaso

Pumunta si Idol Raffy Tulfo sa Isabela upang tugunan ang isang kaso ng mga magkamag-anak na nagkaroon ng sigalot. Ang dahilan na kanilang away ay ang mga post nito sa social media na pamamahiya daw sa isang kamag-anak.

Nagbiyahe si Idol

Nagbiyahe si Idol Raffy papuntang Isabela upang subukang pag-ayusin ang nagkaroon ng sigalot at magkakamag-anak lang din pala. Nais ni Idol na hindi na lumaki pa ang kaso at hindi na rin ito umabot pa sa Korte. Dahil bukod sa aksaya ng oras, gagastos pa sila sa pabalik-balik.

Idol Raffy Tulfo, Bumiyahe Papuntang Isabela Para Tugunan Ang Isang Kaso 2
Photo Credit: Raffy Tulfo In Action

Kasama rin niya si Atty. Garreth Tungol, mula sa Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Partylist o ACT-CIS upang tulungan sila sa pagpapaliwanag tungkol sa mga kaso at sa iba pang usaping legal.

Post sa social media

Nagsimula ang sigalot ng mag-post daw itong si Andrea Aguila sa social media pa-tungkol kay Catherine Marquez, isang tomboy at kalive-in niya si Menchie Espiritu na kapatid din diumano ng asawa ni Andrea, si Sherwin Aguila.

Idol Raffy Tulfo, Bumiyahe Papuntang Isabela Para Tugunan Ang Isang Kaso 3
Photo Credit: Raffy Tulfo In Action

Ayon pa kay Catherine, sinisiraan daw siya sa post ni Andrea, pero gumagamit ito ng ibang pangalan. Ngunit, itinatanggi naman ito ni Andrea dahil hindi daw siya ang may-ari nung account sa Facebook na nagpopost ng paninira kay Catherine.

Tuloy ang kaso

Dahil sa hindi nagkasundo ang dalawang panig, ipinasya na ng mga complainant na si Catherine at Menchie na ituloy ang kaso laban kay Andrea. Nagmamatigas talaga ito nung una na hindi siya ang nagpopost sa social media.

Idol Raffy Tulfo, Bumiyahe Papuntang Isabela Para Tugunan Ang Isang Kaso 4
Photo Credit: Raffy Tulfo In Action

Nang lumaon ay umamin naman ito, pero hindi na nagpatinag pa sila Catherine at Menchie, at kahit na rin si Idol Raffy ay mas ninais na nitong ituloy na lang ang kaso kay Andrea.

Talaga nga na walang idudulot na mabuti ang pagkakalat ng mga paninira sa ibang tao. Dahil kahit totoo man ito o hindi may nakalaan pa rin na parusa para sa gumagawa ng ganito.

Para sa iba pang detalye narito ang video.

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: