Press "Enter" to skip to content

Ilang Mga Estudyante Nanawagan Sa Social Media Para Makabili Ng Laptop

Last updated on July 25, 2020

#PisoParaSaLaptop, ito ang ginamit na hashtag ng ilang mga estudyante na nakagawa ng paraan upang makalikom ng pondo para makabili ng laptop na gagamitin para sa pag-aaral nila sa nalalapit na pasukan.

Paghingi ng donasyon

Dulot ng pademya na kinahaharap ng bansa, napagdesisyunan ng Kagawaran ng Edukasyon na magkaroon ng tinatawag na “blended learning” na kung saan pwedeng makapag-aral sa pamamagitan ng internet. Dahil dito ilang mga estudyante ang humihingi ng donasyon upang makabili sila ng laptop na kanilang gagamitin para sa pasukan sa Agosto 24.

Ilang Mga Estudyante Nanawagan Sa Social Media Para Makabili Ng Laptop 2
Photo Credit: Stand for Truth

Mula sa isang ulat sa programang Stand For Truth, ang mga estudyante ay nakalikom ng pondo sa tulong ng #PisoParaSaLaptop. Isa na rito si Ninette Balatian, mula sa Zamboanga del Sur na papasok na ng kolehiyo sa pasukan, at hindi pa siya sigurado kung makakapasok siya dahil wala siyang sapat na kagamitan upang makadalo sa mga online classes.

Ang proyekto

Si Ninette ay nagkaroon pa rin ng pag-asa dahil sa #PisoParaSaLaptop, sa ngayon ay meron na siyang P120 sa kanyang Gcash account at malaki ang pasasalamat niya sa mga nagbigay dahil hindi niya inakala na mayroong magbibigay kahit hindi naman siya kilala noong una pa lang.

Ilang Mga Estudyante Nanawagan Sa Social Media Para Makabili Ng Laptop 3
Photo Credit: Stand for Truth

Isa rin sa mga nananawagan ay si Angelo Mamis. Siya ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo sa pasukan at dahil sa tulong ng social media partikular sa kanyang Twitter account nakalikom na siya ng humigit kumulang na P20, 000. Para kay Angelo, kahit na sabihan siya ng iba na parang pulubi ang kanyang ginagawa inisip niya na lang na wala namang masama sa paghingi ng tulong.

Ang perang kanyang makukuha ay malaking tulong para makabili siya ng laptop na gagamitin niya at ng kanyang mga kapatid para sa distance learning modules.

Ang mga tumulong

Isa sa mga tumulong kay Angelo ay si Angelika Dalangin, isang overseas Filipino worker na tumutulong rin sa iba pang mga estudyante. Siya ay gumawa ng link upang doon pumunta ang mga nais pang magbigay ng donasyon, at sa loob lamang ng apat na araw ay nakakolekta na ito ng mahigit na P5, 000.

Ilang Mga Estudyante Nanawagan Sa Social Media Para Makabili Ng Laptop 4
Photo Credit: Stand for Truth

Ayon kay Undersecretary Diosdado San Antonio, hindi lang sa online ang distance learning, pwede rin itong offline sa pamamagitn ng digital module na kung saan kahit sa cellphone na hindi palaging may internet ay maaaring makakuha ng learning materials at ito aaralin.

Panoorin sa video ang panayam sa mga estudyante at ang isa sa mga tumutulong sa proyekto ng #PisoParaSaLaptop.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: