Press "Enter" to skip to content

Ilang Mga Magulang Nanawagan Ng Panggatas Para Sa Kanilang Mga Anak Sa Gitna Ng Lockdown

Ilang magulang ang napilitang manawagan ng ayuda upang maipakain at maipang gatas sa kanilang mga sanggol. Ito ay dahil nawalan sila ng hanapbuhay habang umiiral ang enhanced community quarantine kontra pagkalat ng Corona virus.

Ang panawagan

IIang grupo ng mga residente ang araw-araw at maghapong nag-aabang sa gilid ng Mindanao Avenue extension. Nakasulat sa placards nila ang paghingi ng pagkain at gatas para sa mga anak.Tinitiis nila ang init ng pahanon at maghapong hintayan na madalas ay wala rin silang napapala.

Ilang Mga Magulang Nanawagan Ng Panggatas Para Sa Kanilang Mga Anak  Sa Gitna Ng Lockdown 2
ABS-CBN News

Panawagan ng mga residente sa pamahalaan ay sana matapos na ang lockdown nang makabalik na sila sa trabaho. Nakatakdang magwakas ang lockdown sa Abril 30 pero hindi pa tiyak kung muling palalawigin ito.

Ang mga nananawagan

Sabi ni Julito Pangga, wala pa kasi siyang natatanggap na ayuda mula sa gobyerno. Wala rin siyang sahod ngayong lockdown na pambili sana ng pagkain at gatas para sa 2 taong gulang niyang anak.

“Mayroong naibigay sa barangay puro bigas at de-lata lang, wala namang perang binibigay. ‘Yung sinasabing P8,000 eh hanggang ngayon wala pa. Eh ‘yun sana ang inaasahan naming makarating dahil ang hirap kung may bibilhin na diaper tapos gatas ng anak ko eh wala,” ani Pangga.

Ilang Mga Magulang Nanawagan Ng Panggatas Para Sa Kanilang Mga Anak  Sa Gitna Ng Lockdown 3
Pinas Balita

Isa pa sa mga namamalimos sa lansangan ang 8-buwang buntis na si Marilyn Cascete. Aniya, wala pa siyang nabibiling gamit para sa isisilang na anak dahil walang trabaho ang asawa ngayong may lockdown.

“Ito po sobrang hirap dahil walang trabaho asawa ko, ito po malapit na akong manganganak… Saan ako kukuha ng panggastos namin?” ani Cascete.

Milk bank

Ayon sa head ng Quezon City General Hospital (QCGH) milk bank, kumonti ang mga donasyon dahil sa mga limitasyon ng lockdown. Pero nakapag-imbak sila ng 10 litro ng human pasteurized milk na puwedeng ipamahagi. Ilan umano sa mga nabigyan ng gatas ay mga nanay na tinamaan ng COVID-19.

Ilang Mga Magulang Nanawagan Ng Panggatas Para Sa Kanilang Mga Anak  Sa Gitna Ng Lockdown 4
ABS-CBN News

“Nagkaroon na po kami ng mothers na nag-deliver, nanganak, na ‘yung iba talaga wala pang kakayanan na mag-breastfeed kasi puwede talagang matindi ‘yung pagtama ng sakit sa kanila so ito po ‘yung babies nila ang talagang priority namin na bigyan ng gatas dito po sa ospital,” ani Dr. Shahani Duque, pinuno ng naturang milk bank.

Para sa mga nangangailanagan

Ayon kay Duque, bukas naman ang mga milk bank sa mga pangangailangan lalo na sa mga komunidad na maraming bata.

Ilang Mga Magulang Nanawagan Ng Panggatas Para Sa Kanilang Mga Anak  Sa Gitna Ng Lockdown 5
ABS-CBN News

Kaya daw ng QCGH milk bank na mamigay ng 200 ml ng gatas kada araw sa bawa’t bata basta’t dadaan sa proseso.

Bawal na donasyon

Gayunpaman, ilang nag-donate ng formula milk ang pinagalitan ng Department of Health dahil sa paglabag sa Executive Order 51 o Breastmilk Code of the Philippines.

Source: Facebook

2 Comments

  1. Leonila Leonila April 24, 2020

    Sa mga NASA pinas,kami rin dito sa Australia , walang trabaho,sana Hindi n mamili ang government n Kung Sino lng ang Mabibigyan Ng ayuda,me anak din akong bagong panganak nawalan ng trabaho ang Asawa ,wala din po akong trabho.sana po matulungan nyo rin ang anak ,kapatid at mga pamangkin ko sa Caloocan .Mahal Na President Digong Duterte.Brgy.177 po sila.Maraming Salamat po.

  2. Concordio zozobrado Concordio zozobrado April 24, 2020

    Pls nman po panggatas lng nd aq makabyahe gawa ng lockdown.5 ang anak q.hirap saan kuluha ng pangkain nla araw araw.

Leave a Reply

%d bloggers like this: