Press "Enter" to skip to content

Ilang Mga Pampublikong Paaralan Sa NCR, Gagamitin Bilang Isolation Center

Ipinahayag ng Malacañang noong ika-12 ng Agosto (Miyerkules) na 50% ng mga pampublikong paaralan sa NCR, ang gagamitin muna bilang isolation center para sa mga pasyente na may sakit na COVID-19.

Ang pahintulot sa paggamit

Dulot ng virus na COVID-19, ang mga tao ay mahigpit na pinapayuhan na manatili sa kani-kanilang mga tahanan upang maiwasan ang pagkahawa ng sakit. Ito rin ang dahilan kung bakit sa susunod na pasukan ay gagawin sa paraan na new normal ang pag-aaral, kung saan online gaganapin ang klase o pagbibigay ng module.

Ilang Mga Pampublikong Paaralan Sa NCR, Gagamitin Bilang Isolation Center 2
Photo Credit: Philstar

Ikinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan na ni Education Secretary Leonor Briones ang paggamit ng ilang pasilidad ng mga pamublikong paaralan upang ma-isolate ang mga pasyente na may COVID-19.

Ang naging pahayag

Sa press briefing noong Martes, sinabi ni Roque na pinayagan ni Sec. Briones na gamitin ang mga paaralan bilang isolation center hanggang matapos ang taon dahil hindi muna panahihintulutan ang magkaroon ng face-to-face na klase habang wala pang bakuna laban sa sakit.

Ilang Mga Pampublikong Paaralan Sa NCR, Gagamitin Bilang Isolation Center 3
Photo Credit: PPP Center

“The Palace confirms that 50 percent of public school classrooms in the National Capital Region will be used as temporary quarantine facilities as negotiated and agreed by both the Department of Education and the Department of Health,” pahayag ni Roque.

(Ikinumpirma ng Palasyo na 50% ng mga silid sa pampublikong paaralan sa National Capital Region ang magagamit bilang mga pansamantalang quarantine facility. Ito ay parehong napag-usapan at napagkasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Kagawaran ng Kalusugan.

Ang mga paaralan ng gagamitn

Dagdag ni Roque, ang mga gagamitin na pampublikong paaralan ay makakadadag ng pasilidad na ipinapatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ipinarating din niya na importante para sa mga pasyente na mild at asymptomatic na sa mga facility-based na lang manatili lalo na kung wala silang sariling banyo at kwarto.

Ilang Mga Pampublikong Paaralan Sa NCR, Gagamitin Bilang Isolation Center 4
Photo Credit: Bloomberg

“Bukod pa po doon, sa mga istruktura na tinatayo po ni Secretary Villar, ang ating Isolation Czar, nandiyan din po ang ating mga public schools para magsilbing isolation facilities sa level po ng mga barangays,” ayon kay Roque.

Ang simula ng pasukan ay nakatakdang magsimula sa ika-24 ng Agosto at matatapos sa ika-30 ng Abril sa susunod na taon.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: