Press "Enter" to skip to content

Ilang Ofw Sa Dubai, Nagtitinda Ng Kung Ano ano Upang Makabili Ng Ticket At Makauwi Sa Bansa

Sadyang madiskarte at madaling gumawa ng paraan ang mga OFW natin sa Dubai. Kahit anong mangyaring pagsubok ay hindi papatinag ang ilan nating kababayan, mairaos lamang ang pangangailangan araw araw.

Tindero sa dubai

Ilang Ofw na nasa Dubai, nakagawa ng paraan upang makabili ng ticket at makauwi na sa bansa. Dahil sa pagkawala ng hanap buhay dulot ng pandemic, nagtitinda sila ng kung ano ano sa bansang banyaga. Si Marcos Penaflor 60 anyos ofw sa dubai, ay lumalakad ng kilo kilo metrong layo araw araw para lamang maideliver ang kanyang tindang karne.

Ilang Ofw Sa Dubai, Nagtitinda Ng Kung Ano ano Upang Makabili Ng Ticket At Makauwi Sa Bansa 2
Photo Credit: GMA News

Halos 10 kilo metro ang kailangan niyang lakarin upang mapaubos ang kaniyang paninda. Ito’y kaniyang tinitiis sapagkat, wala naman siyang iba pang hanap buhay simula ng magkaroon ng pandemya at ito nalamang rin ang kaniyang pinagkakakitaan. Ginagawa niya ang pagtitinda upang makaipon at makabili ng ticket pauwi.

Kanseladong flight

Isa pang ofw ang matiyagang naghahanap buhay sa gitna ng init sa banyagang bansa. Si Mang Roosvelt Diagan ay nagtitinda naman ng mangga upang may maitustos sa pang araw araw. Ayon kay mang Roosvelt, mayroon na siyang ticket ngunit dismayado siya dahil lagi naman nakakansela ang mga flight pauwi.

Ilang Ofw Sa Dubai, Nagtitinda Ng Kung Ano ano Upang Makabili Ng Ticket At Makauwi Sa Bansa 3
Photo Credit: GMA News

Ayon sa Philipine Consul nasi General Paul Raymond Cortez, inaasikaso naman nila ang  mga panawagan ng ating kababayang gustong umuwi ng bansa. Kaya naman umabot na nga  sa 3000 ang mga nag apply para sa repatriation.

Palugit ng paguwi

Samantala, ayon pa kay General Cortez hanggang Agosto 17 ng kasalukuyang taon nalamang ang palugit sa mga ofw na overstaying na nais na umuwi ng bansa. Dagdag pa niya, ang pag uwi ng mga ito ay walang multa.

Ilang Ofw Sa Dubai, Nagtitinda Ng Kung Ano ano Upang Makabili Ng Ticket At Makauwi Sa Bansa 4
Photo Credit: GMA News

Sa huling panayam sa dalawang ofw, nanawagan ang mga ito ng tulong upang makauwi na ng bansa. Dagdag pa nila nais na nilang makauwi upang makasiguro sa kanilang kaligtasan, sapagkat sila ay nangangamba rin na baka mahawa ng virus at tuluyang hindi na makabalik kapag tumagal pa sa bansang dubai.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: