Press "Enter" to skip to content

Ilang Residente Sa GenSan, Nagsauli Ng Social Amelioration Cash

Ilan sa mga residente ng General Santos City ang nagsauli ng cash assistance mula sa programa ng DSWD. Naniniwala umano ang mga ito na hindi na nila kinakailangan ang cash assistance dahil hindi sila entitled sa benepisyo.

Bayanihan

Ayon sa pahayag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa Briefing,

“May maganda po kaming balita. Sa iba pong lugar sa ating bansa, from our Regional Director in GenSan (General Santos City), marami po ang nagsasauli ng kanilang SAP dahil sinasabi nila ay hindi sila entitled sa tingin nila, at dahil meron naman silang negosyo na puwedeng pagkunan, they are returning,”

Hangad ni Malaya na pamarisan ng maraming Pilipino ang Bayanihan na ginawa ng mga lokal sa GenSan. Sana din umani ay gawin ito ng mga indibidwal na makakatanggap ng cash assistance mula sa dalawang ahensya ng gobyerno.

Ilang Residente Sa GenSan, Nagsauli Ng Social Amelioration Cash 2

Cash aid

Sa parehong public briefing, inusig ni Malaya ang mga indibidwal na nagkaroon ng pagkakataon na makakuha mula sa dalawang ahensya ng gobyerno. Aniya, kung nakakuha ng cash aid ang isang citizen mula sa Department of Labor and Employment ng P5k, maaari na lamang kuhain sa DSWD ay P1,500 sakaling palarin na mapili ito sa listahan. Nang sa gayon ay mabuo nito ang P6,500 na assistance.

Aniya,

“Ito lamang po ang pakiusap natin sa ating mga kababayan. Kung kayo po ay tumanggap na sa dalawa, sana naman po ay kusa niyo nang sabihin sa inyong mga local government units na kayo pala ay tumanggap na kasi nga po ‘yung puwede po sanang matulungan niyan, hindi nakakatanggap dahil hindi niyo dinisclose na kayo pala ay nakatanggap na sa dalawang ahensiya at kailangang kunin niyo na lamang ang butal,”

Ilang Residente Sa GenSan, Nagsauli Ng Social Amelioration Cash 3

Tapat

Napabalita din na maraming residente mula sa Cotabato City at Sultan Kudarat ang nagbaluk ng cash assistance dahil marami sa mga ito ay nakakuha na ng aid mula sa ibang ahensya ng gobyerno.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: