Press "Enter" to skip to content

Imbestigasyon Sa Kasong Fake News Ni Mocha Uson Tinapos Na Ng NBI

Tinuldukan na ang imbestigasyon na isinagawa kina Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Deputy Administrator Mocha Uson at iba pang mga netizens patungkol sa reklamo ng pagpapakalat ng misleading content o maling impormasyon ng National Bureau of Investigation o NBI.

Violation to Heal as One Act

Nitong nakaraang Linggo, sa pinadalang mensahe o text ni NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo sa GMA News Online nillinaw nito ang pagtatapos ng imbstigasyon isinagawa kay Uson ukol sa kinahaharap nitong reklamo sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

Ani ni Lorenzo

For evaluation pa lang yung mga cases for fake news. Wait kami sa final evaluation whether we file or close ang cases on fake news.

Imbestigasyon Sa Kasong Fake News Ni Mocha Uson Tinapos Na Ng NBI 2
Photo Credit: Virtual Pinoy

Ayon sa nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act o Republic Act 11469 , kung saan nagbibigay ng additional powers sa Pangulo ngayong panahon ng pandemic, sa Section 6 (f) ay ang pagbabawal sa mga indibidwal o grupo sa pagpapakalat ng maling impormasyon ngayong panahon ng krisis. Ang Batas na ito ay naaprubahan noong March 25, 2020.

Ayon sa nakasaad Republic Act 11469

…such information having no valid of beneficial effect on the population, and are clearly geared to promote chaos, panic, anarchy, fear, or confusion;

[A]nd those participating in cyber incidents that make us or take advantage of the current crisis situation to prey on the public through scams, phishing, fraudulent emails, or other similar acts.

May kaparusahang ipapatong sa mapapatunayang nagkasala sa nasabing batas sa sinumang personalidad o grupo na pagkakakulong na mahigit na 2 buwan o kaya naman ay pagkakamulta na di bababa sa ₱ 10,000 pero di lalampas ng ₱ 1 milyon.

Subpoena

Sa utos na rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra, pinatawag nitong nakaraang buwan ng NBI si Uson upang sumailalaim sa isang imbestigasyon ukol sa reklamo hinggil sa maling balita binabato sa kanya.

Imbestigasyon Sa Kasong Fake News Ni Mocha Uson Tinapos Na Ng NBI 3
Photo Credit: Nikolo Baua

Di naman takot na humarap sa pagsisiyasat si Uson ng ito ay pinadalhan ng subpoena at tumuloy sa proseso ng batas.

Imbestigasyon Sa Kasong Fake News Ni Mocha Uson Tinapos Na Ng NBI 4
Photo Credit: CNN Philippines

Ani ni Mocha

Ako po ay papasailalim sa proseso ng ating batas. Hindi ako tutulad sa iba na porket napa sa ilalim sa imbistigasyon ay iiyak na ng press freedom. Naniniwala ako na may gumaganang hustisya sa ating bansa. Salamat po.

Fake news

Kinailangan magpakita ni Uson upang sagutin ang isang post sa kanyang mismong Facebook patungkol sa pagpapadala ng mahigit 15,000 sets ng personal protective equiptment o PPE na binili ng Department of Health.

Sa post na nailathata sa Facebook ni Uson isa sa mga litrato nito ay lumabas na galing sa SM Foundation kung kaya’t samu’t saring pambabatikos ang natamo nito sa mga netizen.

Paghingi ng paumanhin ni Uson

Matapos ng insidente, humingi ng paumanhin si Uson sa maling impormasyon at nagbigay ito ng Erratum kung saan sinaad niya ang kanyang pagkakamali at binanggit na rin na sa Philstar nanggaling ang nasabing litrato.

Ayon kay Uson

Yung ginawa ko naman, ay ang intensyon ko i-inform ‘yung ating mga kababayan na hindi pinababayaan ng gobyerno ang ating mga health workers, mga frontliners,

So ‘yung impormasyon na gusto kong i-share sa publiko, may ginagawa ang gobyerno, para pangalagaan yung frontliners natin. Nagkamali lang.

Cybercrime

Patuloy pa rin nagsasagawa ng operasyon ang mga miyembro ng NBI upang maimbestigahan ang mga maling impormasyon kumakalat sa internet di lang si Uson pati na rin ang isang social media user na nagsabi sa sa kanyang Facebook post na ang gobyerno ay nakabili sa halagang P2 bilyon pribadong jet imbes na magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino.

Imbestigasyon Sa Kasong Fake News Ni Mocha Uson Tinapos Na Ng NBI 8
Photo Credit: ABS CBN News

Pati na rin sa mga nagbabanta sa social media ay mahigpit na tinututukan ng mga otoridad at marami rin sa mga nagkasala sa batas ang napabilanggo. Huli na sa ibang mga salarin ang paghingi ng tawad sa kanilang mga ginawa matapos itong mahuli.

Imbestigasyon Sa Kasong Fake News Ni Mocha Uson Tinapos Na Ng NBI 9
Photo Credit: ABS CBN News

Tulad ng mga taong nagbabanta sa buhay ni Pangulong Rodrido Roa Duterte para lang mapag-usapan at sumikat. Sa social media nagpakalat ang isang netizen na magbibigay ng ₱ 100 milyon sa makakapatay sa pangulo. Kasonod nito ang isang guro na inaresto na nagpost na ₱ 50 milyon ang kanyang ibibigay sa parehong pagbabanta.

Imbestigasyon Sa Kasong Fake News Ni Mocha Uson Tinapos Na Ng NBI 10
Photo Credit: ABS CBN News

Isa rin ang isang babaeng ang labis na pagsisisi nang ito ay mahuli. Gumawa ito ng fake accout ng kanyang nambababaeng kinakasama na galit na galit sa pangulo para lang makapaghiganti sa kinakasama nito.

Sa patuloy na pag-unlad ng internet sa bansa iba’t ibang oportunidad ang mga nagbubukas at di rin mawawala ang mga manloloko at mapagsamantala. Kung saan nariyan ang NBI na naatasang bantayan ang mga fake news post ukol sa COVID-19 at iba pang mga katiwalian na nirereport ng publiko o ng mga mapagmatyag na operatiba.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: