Press "Enter" to skip to content

Improvise Motorcycle Barrier, May Peligrong Dala Sa Mga Motorista!

Manila, Philippines- Matapos ilunsad ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paglalagay ng barrier sa mga motorsiklo ay siya naman labasan ng mga imporvised motorcycle barrier sa merkado na ngayon ay nakapagtala na ng ilang aksidente sa mga motorista.

Naitalang aksidente

Ang isang construction worker na si Arjay ay naaksidente umano at sumemplang dahil sa hinagin ang kaniyang dalang improvise motorcycle barrier na kaniya mismong ginawa, nangyari ang aksidente noong araw na kanya sanang susunduin ang asawa.

Naitalang Aksidente- Riders
Photo Credit: Abs-cbn

Ayon kay Arjay dahil sa pagkakahangin sa kaniyang dalang barrier ang dahilan kaya hindi nawalan ito ng kontrol sa manobela at nadisgrasya.

Labag sa kautusan

Ayon sa isang motorcycle fedaration of the Philippines ay hindi umano dapat basta na lang maglalagay ng isang moddication sa motorsiklo dahil labag umano ito sa kautusan ng Land Transporatation Office o LTO at may pangamba din sa paggamit ng barrier para sa road safety.

Labag Sa Kautusan- Riders
Photo Credit: Abs-cbn

Dagdag pa ng fedaration na hindi na umano dapat pa pinapaggamit pa ng barrier ang magka angkas kung ang mga ito ay mag-asawa naman at hindi pampasaherong motorsiklo.

Ayon sa join task force

Samantala, ayon naman sa join task force ng covid shiled ay sinabi nitong ligtas naman umano ang dalawang inaprubahan nilang disenyo ng barrier. Ang disenyo na inilabas ng LGU mula sa bohol na aprubado ay ang tinatawag na prototype barrier, kung saan ito ay mayroong mga tamang sukat ng taas, lapad, at dapat ay nakakabit mismo sa motorsiklo, habang ang isa pa na inilabas naman ng grupong “angkas” ay sinusuot sa backpack ng rider.

Join Task Force- Riders
Photo Credit: Abs-cbn

Sa ngayon ay marami na ang riders na nagkukumahog na bumili ng barrier dahil sa nalalapit na deadline sa darating na July, 27 kaya naman ang ilang tindahan sa Caloocan at Quezon City ay dinagsa na ng mga mamimili.

Ang mga improvise barrier na makikita sa mga merkado ay nagkakahalaga ng 500-1,200 pesos ang presyo.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: