Press "Enter" to skip to content

Ina, Nag-Construction Worker Para Sa Tatlong Mga Anak

Isang ina mula sa Laguna na dating fruit vendor, ang piniling magtrabaho bilang construction worker para matustusan ang pangangailangan ng kanyang tatlong mga anak. Ito ay ginawa niya matapos ma-lockdown sa malayong lugar at mawalan ng trabaho ang kanyang mister.

Dulot ng lockdown

Matapos maipatupad ang lockdown noong ika- 17 ng Marso, na kung saan ipinairal ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), total lockdown sa Luzon, at kasama ang pagtigil ng mga byahe. Maraming mga Pilipino ang naapektuhan nito,mayroong mga napalayo sa pamilya at nastranded sa mga lugar na kung saan huli silang nanatili o ang tinatawag nating mga Locally Stranded Individuals (LSI).

Ina, Nag-Construction Worker Para Sa Tatlong Mga Anak 2
Photo Credits: MSN News

Isa sa mga nastranded ay ang asawa ni Joan Diviva na si Sherwin Lacao, ito ay matapos mula sa Laguna ay pumunta si Sherwin sa Rizal upang tanggapin ang job offer ng isang construction company doon. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito regular na trabaho at doon na siya naabutan ng lockdown, ang pagtitinda naman ni Joan ng prutas ay nalugi dahil din sa lockdown.

Panganib ng trabaho

Mula sa alok ng kaibigan ay tinanggap ni Joan na mamasukan bilang construction worker sa isang simbahan, sa una ay nahirapan siya sa trabaho at sa pag-adjust sa hindi nakasanayan na gawain. Ngunit nagsikap siya para sa pamilya at hindi ininda ang peligro para lamang mabigay ang pangangailangan ng kanyang tatlong mga anak.

Ina, Nag-Construction Worker Para Sa Tatlong Mga Anak 3
Photo Credits: GMA Public Affairs

Hindi maiiwasan na mag-alala ang kanyang mga anak lalo na ang kanyang panganay, ito ay dahil delikado ang trabaho ng kanyang ina na kung saan onting maling galaw sa makitid na apakan ay maaari na siyang maaksidente. Nag-aalala rin sila sa pag-akyat-akyat nito sa scaffolding na baka malaglag ang kanilang ina. Kaya sinisigurado ni Joan na maingat siya upang di niya maiwan na nahihirapan ang kanyang pamilya.

Isang ulirang ina

Sa kabili ng pagiging isang construction worker ay hindi pa rin nakakalimutan ni Joan na maging isang nanay na intindihin at maalagaan ang kanyang mga anak.

Kumbaga sa araw-araw na ginagawa ko, nakasanayan ko na rin po na trabaho tapos intindi sa bahay. Pagsasabayin ko po yung ganon… mag-aasikaso sa bahay bago umalis,” saad niya.

Ina, Nag-Construction Worker Para Sa Tatlong Mga Anak 4
Photo Credits: GMA Public Affairs

Kahit abala sa pagtatrabaho, umuuwi ng bahay si Joan kapag breaktime para naman asikasuhin ang mga anak at tiyakin na makakain sila ng tanghalian.

“Tapos sa tangahli kailangan ko pong umuwi para maasikaso ang mga anak ko. Kaya kailangan ko umuwi ng tanghali para masiguradong makakakain ang mga anak ko.,” dagdag ni Joan.

Kapag wala ang ina ay ang panganay ang tumatayong ina sa kanila, siya ang nagbabantay at nag aalaga sa kanyang mga kapatid. Hindi rin iniintindi ni Joan ang opinyon ng iba sa trabahong kanyang pinapasukan.

Ang sorpresa

Matapos ang mahigpit na lockdown ay pinayagan nang bumyahe ang mga sasakyan, kaya naisagawa ng programa ng “Wish Ko Lang” ang kanilang sorpresa sa pamilya. Naging madamdamin ang pagkikita ng pamilya. Bukod pa roon ay may hatid na tulong pangkabuhayan at pinansyal ang programa.

Ina, Nag-Construction Worker Para Sa Tatlong Mga Anak 5
Photo Credits: GMA Public Affairs

Tunghayan sa video ang kwento ng mag-asawa lalung-lalo na ang dakilang ina, panoorin kung paano nagkita ang pamilya matapos ang higit sa isang buwan na pagkakawalay sa kanilang ama at alamin kung ano-ano ang handog ng program na tulong sa kanila.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: