Press "Enter" to skip to content

Ina Ng Batang Nabangga Ng Grab Driver Dumulog Kay Idol Raffy

Nanay nagpasaklolo sa tanggapan ng Raffy Tulfo In Action, upang burahin umano ng Grab driver na nakabangga sa kaniyang anak ang mga mapanirang post nito sa Facebook.

Pag dulog ng Ginang

Hunyo 19 ng maiere sa programang Raffy Tulfo In Action ang pag dulog ng ginang nasi Rosie Vegare, ina ng batang nabundol ng isang  grab driver na si Jeric Domingo. Ito ay sa kadahilanang nagulat siya umano na may post na kumakalat sa facebook tungkol sa kanilang mag asawa at sa kaniyang anak.

Ina Ng Batang Nabangga Ng Grab Driver Dumulog Kay Idol Raffy 2
Photo Credit: Raffy Tulfo In Actionhttp

Ayon sa ginang hindi umano totoo na sila ay namimilit na maglabas ng 37,000 pesos ang driver para sa pag pampagamot ng bata, sa halip ay nakiusap sila  na kahit magkano ay magbigay sana ang driver. Dagdag pa ng ginang nag alok din naman ng tulong ito sa halagang 5,000 pesos lamang.

Viral post

Matatandaang kamakailan lamang ay nag viral ang post ng kapatid ng Grab driver, ukol sa pag pipilit umano ng pamilya ng batang nabundol na magbigay sila ng halagang 37,000 pesos para sa pag papaospital nito.

Ina Ng Batang Nabangga Ng Grab Driver Dumulog Kay Idol Raffy 3
Photo Credit: Raffy Tulfo In Action

Ayon pa sa kapatid ng driver, hindi naman tatakbuhan ng kaniyang kapatid ang pagkakabangga sa bata, ngunit hindi sana nila sinaktan ang kaniyang kapatid. Pinuna rin nito ang paglabas ng bata upang utusan ito na bumili ng yelo sa gitna ng ipanapatupad na GCQ. 

Payo ni idol

Sa magkasabay na panayam  sa dalawang panig, ay sinabi ni Tulfo na humingi na lamang ng dispensa sa bawat isa. Sa una ay ayaw pa ng ama ng bata na humingi siya ng tawad, ngunit kalaunay pumayag rin.

Ina Ng Batang Nabangga Ng Grab Driver Dumulog Kay Idol Raffy 4
Photo Credit: Raffy Tulfo In Action

Humingi ng tawad ang ama ng bata, sa nagawang pananakit ng kaniyang biyenan sa driver. Ang grab driver naman ay humingi na rin ng tawad sa mga nasaktan niya sa kaniyang post sa facebook at nangako siya na buburahin na ito, ayon sa kaniya hindi niya rin umano gusto ang mga nangyari. Napakasunuduan rin na paghahatian na lamang ang mga gastusin sa pag papagamot sa bata.

Panuorin dito ang buong kuwento:

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: