Press "Enter" to skip to content

Ingratong Anak, Ayaw Dalawin O Kupkupin Ang Nanay Na Nangungulila Sakanya

Isang lola ang lumapit sa himpilan ni Idol Raffy bilang isang nangungulilang ina na gustong makausap ang anak niya na ayaw naman sakanya. Awang awa naman ang netizens sa sakit sa dibdib na marahil ay dala ni nanay.

Hiling sa anak

Si Lola Raymunda Amoranto ay 86 years old na nanay na gusto sana makausap at makasama ang kanyang nagiisang lalaking anak dahil namimiss na niya ito. Si Diosdado Amoranto, napagalaman ni Idol na ay isang PWD at ang asawa niya. Pareho silang nagaalaga ng dalawang apo.

Ingratong Anak, Ayaw Dalawin O Kupkupin Ang Nanay Na Nangungulila Sakanya 1

Sinabi naman ni Idol na baka nga naman mahirapan na ang dalawa kung aalagaan pa ang kanilang nanay.

Ineksplika naman ni Ma. Teresa, kapatid ni Diosdado, na sana man lang kahit ilan araw lang ay pumayag si Diosdado, pero ayaw padin.

Tunay na rason

Nang matawagan si Diosdado, ayon dito, hindi daw talaga niya mapapatira ang nanay niya sa kanila dahil siya mismo ay nakikitira lang sa manugang at anak niya. Inaalagaan nila ang apo nila dun sa bahay ng anak nila.

Nalaman din na noong pumunta si Nanay Raymunda kila Diosdado ay nageskandalo naman daw si Ma. Teresa sa bahay nila Diosdado.

Solusyon ni Idol

Matapos ang sagutan, tinanong ni Idol si Diosdado kung ok lang ba na magpunta ang nanay niya sakanila kasama ang staff ni Idol para lang makita siya.

Ingratong Anak, Ayaw Dalawin O Kupkupin Ang Nanay Na Nangungulila Sakanya 2

Pumayag naman si Diosdado. Ayon sakanya, ang problema lang talaga ay sa mga kapatid niya.

Nasermunan tuloy

Sa huli, nasermunan ni Idol ang dalawang magkapatid. Bakit naman daw nila pinagaawayan ang nanay nila, hindi ba daw nila naalala ang panahon na nagsakripisyo ang nanay nila para mabuhay sila at lumaki ng maayos.

Ingratong Anak, Ayaw Dalawin O Kupkupin Ang Nanay Na Nangungulila Sakanya 3

Ngayon naman ay tila ayaw man lang nilang alagaan ang nanay at pinagaawayan pa kung sino ang magaalaga.

Ayaw talaga

Nang tinanong ni Idol kung pedeng makitira ang nanay nila ay hindi talaga ang sinagot ni Diosdado. Dahil nakikitira lamang siya sa kanyang manugang. Ingrato nga ba? O talagang hindi lang talaga pede?

Ingratong Anak, Ayaw Dalawin O Kupkupin Ang Nanay Na Nangungulila Sakanya 4

Panooring ang video dito:

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: