Press "Enter" to skip to content

Inip Na Sa Lockdown! Lalaki sa Pampanga, Nakuryente Habang Nagpapalipad Ng Saranggola

Last updated on June 2, 2020

Isang lalaki sa Dau Mabalacat, Pampanga ang sugatan matapos aksidenteng makuryente habang nagpapalipad ng saranggola. Nangyari ang aksidente nitong Huwebes, Mayo 7.

Nabagot sa Lockdown

Ayon sa kapatid ng biktima, nagpapalipad ng saranggola sa kanilang bubong ng bahay ang kanyang kapatid ng aksidente itong makuryente. Sa hindi inaasahang pangyayari, sumabit umano ang saranggola sa kable ng kuryente. Sa sobrang lakas ng boltahe ng kuryente na pumasok sa kanyang katawan, nahulog ito sa bubungan ng bahay.

Inip Na Sa Lockdown! Lalaki sa Pampanga, Nakuryente Habang Nagpapalipad Ng Saranggola 2

Dahil sa pagkabagot sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine o ECQ, kung kaya naisipan umano ng kanyang kapatid na magpalipad ng saranggola kahit sa bubong lamang ng bahay. Hindi niya akalain na ang simpleng paglilibang ay mauuwi sa aksidente.

Maswerteng nakaligtas

Pagkatapos bumagsak sa sahig, nangisay ang biktima at bumubula ang bibig habang nakamulat. Nagkagulo ang mga nakakita sa biktima at agad na nilapitan. Ang iba sa mga ito ay nag alinlangan pa na tulungan ang biktima dahil maaring makuryente rin sila.

Inip Na Sa Lockdown! Lalaki sa Pampanga, Nakuryente Habang Nagpapalipad Ng Saranggola 3

Sa kabutihang palad, agad na nasaklolohan ang biktima at naisugod ito sa pinakamalapit na ospital. Sugatan ito matapos ang aksidente, ngunit himalang nakaligtas sa bingit ng kamatayan.

Natigil sa bahay

Halos dalawang buwan na ng ipinapatupad ang lockdown sa buong bansa upang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus na COVID-19. Dahil dito, marami sa mga mamamayan ang napilitang manatili lamang sa bahay at nalimitahan ang paglabas ng mga ito sa mga kalsada.

Dahil dito, hindi maiwasan ng karamihan ang mainip dahil nabago ang kanilang araw-araw ng gawain. Iba-iba ang paraan ng pagpapalipas oras ng mga residente. Ang iba ay nagbababad sa mga social media habang ang iba ay pinipilit gawin ang kanilang mga nakasanayang gawin kahit nasa loob lang ng bahay.

Sa darating na Mayo 15, inaasahan ng matatanggal na ang ECQ sa buong bansa. Marami ang natutuwa, ngunit hindi maiwasan ng iba na mangamba dahil sa kasalukuyan ay pataas pa ng pataas ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Source: Balitambayan

One Comment

  1. Prokopyo Prokopyo May 8, 2020

    Hindi useless ang ntc. Marami ang natutulungan ng ntc at isa.na ako doon. Ikaw ang walang kwenta kong congressman dapat kayo ang buwagin na

Leave a Reply

%d bloggers like this: