Press "Enter" to skip to content

Iniutos Ni Pangulong Duterte Sa DSWD Na Patulungin Ang Militar Sa Pamimigay Ng Ayuda

Nais ng Pangulong Duterte na maging katuwang ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mga militar sa pamimigay ng ayuda ng gobyerno sa mga naipit sa lockdown dahil sa COVID19.

Militar at DSWD

Ipinahayag ni Pangulong Duterte na gusto niya magsanib-pwersa ang DSWD at mga militar sa pamamahagi ng tulong-pinansyal. Nais ng gobyerno na ipamigay ito sa mga mamamayan na naipit sa lockdown, dahil hindi na sila makapag-hanapbuhay dahil sa banta ng COVID19.

Iniutos Ni Pangulong Duterte Sa DSWD Na Patulungin Ang Militar Sa Pamimigay Ng Ayuda 2
Photo Credit: Armed Forces of the Philippines

Iniutos niya kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista na payagan ang mga militar na tumulong sa pamimigay ng cash subsidy. Dahil na rin sa kakulangan ng mga tao sa nasabing ahensya.

Maraming korapsiyon

Inamin ng Pangulo na maraming korapsiyon na nangyari sa unang batch ng pamimigay mg ayuda, kaya nga masyadong naantala ito. Ayon kay Pangulong Duterte,

Iniutos Ni Pangulong Duterte Sa DSWD Na Patulungin Ang Militar Sa Pamimigay Ng Ayuda 3
Photo Credit: CNN Philippines

“I had a nightmare in the distribution of the COVID19 cash aid, ” Duterte said. “Takot ako na makurakot ito…. Nangyari nga.”

“Alam ko walang tao, ” the President added. ” Ang order ko sa kanya, he will request na kapwa niya sundalo noon, magpatulong siya sa Armed Forces sa pagdidistribute ng pera.”

Dagdag pa ni Pangulo, mas maigi na mga babaeng sundalo ang mamahala sa pamimigay ng ayuda. Sapagkat sila ay mga malambot na puso at madaling maawa sa kapwa.

“Yung puso ng babae ang gusto ko, ” he said. “Sa mga babae na miyembro ng AFP, maybe you will commissioned to do that.”

Ayon sa DSWD

Ayon sa datos ng DSWD mahigit sa 16.3 million na ang nakatanggap ng tulong-pinansyal sa buong Pilipinas. Samantala, may 183 barangay ang under investigation dahil umano sa korapsiyon sa pamimigay ng ayuda.

Iniutos Ni Pangulong Duterte Sa DSWD Na Patulungin Ang Militar Sa Pamimigay Ng Ayuda 4
Photo Credit: CNN Philippines

Higit kailanman hindi ngayon ang panahon ng panlalamang sa kapwa. Dahil alam nating lahat na nasa gitna tayo ng malaking krisis. Hindi lang basta krisis ang kinakaharap natin ngayon dahil nakasalalay dito ang buhay ng nakakarami, ang buhay ko, buhay mo, at buhay ng mga mahal mo.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: