Press "Enter" to skip to content

Instant Millionaire! P4 Million Natangay Ng Faceshield Scammer Sa Mga Online Seller

Lugmok at di malaman ang gagawin ngayon ng maraming online seller dahil na scam ng kunyari ay murang supplier ng faceshield sa Binondo Manila.

Mandatory faceshield

Idineklara ng pamahalaan kamakailan lang na mandatory na ang pagsusuot ng faceshield sa tuwing lalabas ng bahay. Ito ay dahil sa mabilis na paglobo ng bilang ng mga nag-popositibo sa COVID-19.

Instant Millionaire! P4 Million Natangay Ng Faceshield Scammer Sa Mga Online Seller 2

Kaya naman inaasahan na marami sa kababayan natin ang mamimili nito. Dahil dito, kanya kaya ng hanap ang maraming online seller ng murang supplier ng faceshield upang kahit paano ay kumita ng kaunti.

Faceshield scammer

Ito naman ang sinamantala ng mga kawatan upang makapagnakaw ng kaunting puhunan ng mga seller. Ayon sa balita, isang babae ang nagpakilala at tumawag sa mga seller upang mag alok ng murang faceshield. Ayon sa mga biktima, tila propesyonal ang babae kung makipag-usap kung kaya nakuha nito ang tiwala ng maraming seller.

Instant Millionaire! P4 Million Natangay Ng Faceshield Scammer Sa Mga Online Seller 3

Halagang P13 hanggang P20 kada piraso ang alok ng scammer sa mga biktima. Napakamura nito at maaring ibenta ng P45 hanggang P50 kung kaya marami ang kumagat sa pain ng scammer.

Instant Millionaire! P4 Million Natangay Ng Faceshield Scammer Sa Mga Online Seller 4

Sunod-sunod din ang mga post ng mga kunyari ay bibili ng maramihan. Ayon sa mga kunyaring buyer ay handa silang bumili ng 50,000 hanggang 500,000 piraso ng faceshield.

Dahil dito, marami ang naeengganyo na umorder at mabayad agad sa di nakilalang scammer. Ayon sa pag-uusap, sa Binondo susunduin ng mga seller ang mga inorder ng faceshield. Subalit wala ni anino ng pekeng supplier ang dumating.

Instant millionaire

Tinatayang aabot ng mahigit P4 million ang nakulimbat ng scammer sa mga online seller. Instant millionaire ang scammer na ito dahil napakarami niyang naloko. Hindi ngayon malaman ng mga biktima kung paano ipapaliwanag sa mga umorder at nagbayad na sa kanila ang nangyaring panloloko sa kanila.

Instant Millionaire! P4 Million Natangay Ng Faceshield Scammer Sa Mga Online Seller 5

Hinala ng marami, pinlano talagang gamitin ng mga kawatan ang social media upang makakulimbat ng milyones. Kasabwat ng kunyaring scammer ang mga kunyaring buyer upang tumaas ang demand ng faceshield.

Instant Millionaire! P4 Million Natangay Ng Faceshield Scammer Sa Mga Online Seller 6

Payo ng mga netizen, wag basta-basta maniniwala sa malaking tubo na alok ng hindi kilalang tao. Maging mapanuri at maingat upang di mahulog sa patibong ng mga scammer.

Instant Millionaire! P4 Million Natangay Ng Faceshield Scammer Sa Mga Online Seller 7

Source: Rapstar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: