Press "Enter" to skip to content

Insurance Nabibili Na Sa Online

Hindi lang cellphones at accessories ang nabibili ngayon sa online. Kungdi pati na ang insurance.

Mura pa kaysa presyo ng gadgets

Inanunsyo ng FWD Life Insurance Corp. (FWD Insurance) na available na ang kanilang mga produkto sa isang popular online platform, para madaling mabili ng mga nangangailangan nito, lalo na ngayon na may krisis na nagbabanta sa kalusugan ng tao.

Insurance Nabibili Na Sa Online 2
Photo Credits: PNGWING

Sabi ni FWD Insurance President and Chief Executive Officer Li Hao Zhuang,

“In light of the evolving Covid-19 situation where everyone is highly encouraged to stay at home, we at FWD want to make our KanDüü insurance plans easily accessible to more Filipinos. Offering these plans online supports our goal of bringing financial protection to customers, at their utmost convenience.”

Insurance Nabibili Na Sa Online 3
Photo Credits: Auto Insurance Company

Iba’t-ibang produkto

Kabilang sa mga produkto ng FWD Insurance ay; KanMend, KanLive, and KanGuard. Lahat ng kanilang produkto ay para sa mga may edad 18 to 55 years old, sa halagang 1,799/ year, ay entitled na sa life, critical illness, or accident at terrorism insurance coverage, at may added compensation pa ang insured.

Bawat produkto ay may iba-ibang feature na babagay sa unique lifestyles at pangangailangan ng bawat tao. Sa paglagay nito sa online shop, ay ninanais ng kompanya na mag iba ang pananaw ng mga tao, pagdating sa pagbili ng insurance.

Insurance Nabibili Na Sa Online 4
Photo Credits: Surfolks

Terrosims attack, kasama

Nagsimula sa Php 100,000 – Php 500,000 halaga ng coverage ang pwedeng pagpilian ng mga consumers. Meron silang feature na may online consultation at hanggang 1 year unlimited access to hospital consultations. May product din na nagcover ng accidental death or terrorist attack kahit saang bahagi ng mundo ang insured.

Sa murang halaga ng kanilang produkto at paglagay nito sa online, ay inaasahan ng kompanya na masasabayan nila ang pagbabago ng pamamaraan ng mga consumers sa pagbili ng mga pangangailangan nila.

Insurance Nabibili Na Sa Online 5
Photo Credits: Pinterest

Kadalasan, hindi binibigyang prioridad ng mga Filipino ang pagbili ng insurance. Dahil mas nabibili ang pang araw-araw na pangangailangan at mga bagay na madaling ma enjoy. Kaya ang mga insurance companies ay todo sa kampanya para magbago ang pananaw ng mga tao pagdating sa insurance.

Source: Business Mirror

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: