Press "Enter" to skip to content

Isa Sa Mga Pulis Na Nag Positibo Sa COVID-19 Pumanaw Na

Manila, Philippines – Ipinahayag ni Chief General Archie Francisco Gamboa na pumanaw na ang isa pang pulis na nag positibo sa Corona Virus Disease (COVID-19)

Panibagong pagluluksa

Si patient number 13 ay una ng naitalang person under investigation (PUI) na namatay kahapon dahil sa cardiac arrest. Matapos sumailalim sa testing ilang araw na ang nakalilipas lumabas ang resulta at nakumpirma na siya ay positibo sa COVID-19.

Isa Sa Mga Pulis Na Nag Positibo Sa COVID-19 Pumanaw Na 2
Source: Inquirer

Samantala, nauna ng naiulat na meron nang unang namatay na isang pulis noong March 19 lamang. Siya ay pumanaw habang nasa kanyang duty matapos itong makaranas ng mataas na lagnat at paninikip ng dibdib. Ang nasabing pulis ay isinugod sa ospital at nalaman ang kaniyang resulta sa COVID test tatlong araw matapos siyang ma-ospital.

Nagluluksa ang kapulisan

Nagpa abot ng pakikiramay si PNP Chief Gamboa sa pamilya ng nasabing pulis at tiniyak na mag bibigay ng pinansyal na suporta at benepisyong sosyal. Kasabay nito, iniutos ni Gamboa na huwag ng i-deploy sa control points ang mga pulis na may edad simula 46 taong gulant at pataas.

Isa Sa Mga Pulis Na Nag Positibo Sa COVID-19 Pumanaw Na 3
Source: Philstar

Ayon pa kay Gamboa, napakasakit ng mga pangyayari kapag namatayan ng kasamahan sa serbisyo. Dagdag pa niya,

“Kami we give our policemen, our personal protective equipment. Para mapangalagaan, nag bibigay kami ng vitamins at inayos namin ang shifting para makapag pahinga sila.”

Patuloy ang pag dami ng biktima

Isa pang colonel naman ang isinugod sa hospital kagabi matapos mahirapan makahinga. Pero tumanggi naman si Gamboa na magbigay ng ipa pang impormasyon at detalye kaugnay dito.

Isa Sa Mga Pulis Na Nag Positibo Sa COVID-19 Pumanaw Na 4
Source: Bandera

Sa kasalukuyan, ayon sa datos ng PNP meron ng 13 ka-pulisan ang nag positibo sa Covid-19.

Sa karagdagan, 182 ang person under investigation (PUI’s). Habang 1,545 naman ang mga PUM’s at 9 dito ay naka self quarantine sa Kiangan Billeting Center sa Campo Crame. Dagdag pa ni Gamboa, karamihan sa mga PUI’s at PUM’s ay asymptomatic o walang ipinapakitang sintomas ng Covid-19.

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: