Press "Enter" to skip to content

Isang 11 Taong Gulang Na May Bone Cancer, Patuloy Ang Paglikha Ng Sining Kahit Pa Naputulan Ng Isang Kamay

Kahit pa dumaan sa operasyon at maputulan ng kanang kamay ang 11 anyos na bata mula sa Pampanga na bone cancer patient, ang kinahihiligan niyang gumuhit na ginagamitan ng oil pastel at illustration boards ay aniya’y hindi kailanman kukupas.

Bone Cancer patient

Bata palang ay mahilig na si Prince Ashlee Taruc na gumuhit at aktibo na sa mga patimpalak sa kanyang paaralan. Sabi ng kanyang ina na si Gretchen Taruc,

“Since bata pa po siya mahilig na siya mag-drawing four years old pa lang po siya sumasali na siya sa contest ng daycare po and hanggang bago po siya nagkasakit patuloy po siya sumasali at nananlo sa mga contest,”

Isang 11 Taong Gulang Na May Bone Cancer, Patuloy Ang Paglikha Ng Sining Kahit Pa Naputulan Ng Isang Kamay 2
Photo Credit: Facebook- Gretchen Taru

Ayon kay Gretchen, ang kanyang anak na si Prince ay na-diagnose na may cancer sa buto noong Oktubre taong 2019 at ang kanang braso ay pinutol noong Enero kasalukuyang taon.

“Pinutol po ‘yung kanang kamay at balikat niya dahil po sa cancer lumaki po ‘yung bukol niya sa balikat at halos kinain na po ‘yung buong balikat at kamay niya kaya kinailangan na po alisin dahil di na po tatalab ang chemo niya,”

Tuloy ang paglikha

Bagamat matapos ang operasyon na pinagdaanan ni Prince, hindi ito naging balakid para ipagpatuloy ang kinahihiligan niyang gawin.

Ani Gretchen,

“Hindi po hadlang sa kaniya ang kawalan ng isang kamay mas nagpursige po siyang ipakita na kaya pa din po niya gumawa ng arts kahit na isa na lang ang kamay niya at mas lalo po siyang humusay gumuhit,”

Isang 11 Taong Gulang Na May Bone Cancer, Patuloy Ang Paglikha Ng Sining Kahit Pa Naputulan Ng Isang Kamay 3
Photo Credit: Facebook- Gretchen Taru

Si Prince ay may 20 mga likhang sining sa kanyang koleksyon. Natatapos niya ang bawat likha sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

“After po niya maopera nagdrawing po ulit siya kapag gusto lang po niya at sandali lang po pahinto-hinto po siya kasi bawal po siya mapagod. Dalawa hanggang tatlong araw bago po niya natatapos ‘yung isang artwork niya,”

Ilang gantimpala mula sa sining

Dahil sa taglay nitong husay, nanalo pa siya sa isang international poster making contest tungkol sa mga frontliners noong Mayo.

Isang 11 Taong Gulang Na May Bone Cancer, Patuloy Ang Paglikha Ng Sining Kahit Pa Naputulan Ng Isang Kamay 4
Photo Credit: Facebook- Gretchen Taruc

“Pagkatapos po niya gawin ‘yung art piece na sinali po niya sa isang international poster making contest lalo po siya na inspire nung manalo po siya dun,”

Ang ilan sa kanyang mga natapos na likhang sining ay naibenta na habang ang iba nama’y ibinigay sa kanyang mga doktor at nurse.

Source: Facebook- Gretchen Taruc

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: