Bulalacao, Oriental Mindoro- Dala ng kahirapan isang 70 taong gulang na mangyan, ang gumawa ng sariling face shield at face mask na gawa sa bao sa kawalang pambili. Kahit na wala pang naitala na kaso sa kanilang lugar ay gustong makatiyak na ligtas siya sa virus.
Pagsunod sa utos
Nitong linggo ay ipinalabas sa programa na “Kapuso Mo, Jessica Soho,” ang isang matandang lalaki na suot suot ang gawa gawang face mask at face shield mula sa bao, ng malaman niyang ipinapatupad ang pag susuot nito.

Nais ni Mang lido na tumalima sa utos, kaya naman naisipan niyang gumawa ng sariling pang proteksyon. At dahil ang kaniyang lugar ay napapalibutan ng mga puno ng niyog, ito ang napag isipan niyang maging materyales para sa kaniyang facemask.
Face mask mula sa bao
Ayon kay Mang Lido, nakagamit na siya ng facemask na gawa sa tela ngunit hindi niya matagalan ang amoy nito, at tila hindi siya makahinga ng maayos. “Hindi ko kaya baga ang amoy kasi ang sarili ko hindi naman sanay sa pabango. Ang hininga ko dito sa bao parang kinayuran din ng niyog (I can’t take the smell because I’m not used to the smell of perfume. My breath with this shell mask smells like coconut too).”

Sinisigurado ni Mang Lido na suot suot niya ang Face mask at Face shield sa tuwing sya ay aalis. Masuwerte naman na wala pang kaso ng Covid-19 sa kanilang lugar. “Mas maganda ako’y nakauna para nakahanda agad (It’s better to be ahead so I could prepare),” he said. “Mahirap na kasi baka nga dumating din ang COVID. (It would be hard for us if COVID would spread here).”

Suot ni Mang Lido ng halos 10 oras ang facemask araw araw, ngunit hindi man lang siya nasasaktan o nasusugatan, ayon sa kaniya maayos ang pagkakagawa niya rito. Nais lamang ni Mang Lido na ligtas siya at ang kanilang komunidad.
Doble pag iingat
Bago pa man magkaroon ng pandemya ay dumaan na sa matinding pagsubok si Mang Lido at ang kaniyang pamilya, ng madiagnosed na may sakit na Goiter ang kaniyang asawa at namatay din nitong taon lamang. Kaya naman sobra ang kaniyang pag iingat sapagkat, para sakanila ay mahirap ang magkasakit dahil sa kakulangang pinansyal.

“Pambili-bili namin ng mga asin, kape, asukal. Kulang pa rin kaya kung minsan ang sabi ko dun sa aking mga apo imbes na ipambili ko ng mask ’yung pera ko. Ipapambili ko na lang ng pagkain (We’d use it to buy salt, coffee, sugar. It’s not enough. Sometimes, I tell my grandchildren that instead of buying a mask, I’d rather use the money for food).” Dagdag pa niya, 100 pesos lamang ang kaniyang kita sa araw araw at hindi ito sasapat pa na makabili ng iba pang pangangailangan.
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho
Be First to Comment