Press "Enter" to skip to content

Isang 90 Taong Gulang Na Lola Hindi Lang Cancer Survivor, COVID-19 Recovery Pa!

Quezon City, Philippines- Isa si Natalia Vicente 90 taong gulang na tinamaan ng nakakamatay na sakit na corona virus disease na nagsimula noong 2019 (COVID-19) at ito ay mapalad na nakarecover matapos ang 44 na araw na pakikibaka sa ospital sa Philippine Heart Center.

Ang pasyente

Ayon sa ulat si Natalia ay hindi lamang COVID-19 recovery kundi isa ding colon cancer survivor noong taong 2013 kaya naman nang ito ay gumaling sa nasabing virus ay masaya itong sinalubong ng mga health workers at ng kanyang pamilya sa lobby ng nasabing ospital.

Ang Pasyente- COVID-19
Photo Credit: GMA

“Paglabas niya ng elevator, shocked din siya kasi ang akala niya dalawa ‘yung susundo sa kanya tapos may staff din ng Philippine Heart Center. Nadagdagan din kami bale five sa family na nandoon para sumundo sa kanya,” aniya ng apong si Beng Vicmundo

Matapos magkasakit

Matapos ang nasabing pakikibaka nito ay muli ng nakabalik ito sa kanilang tahanan, ngunit ito ay isinailalim sa isolation mula sa kanyang pamilya dahil sa banta pa din ng nasabing virus.

Matapos Magkasakit- COVID-19
Photo Credits: GMA

Ayon pa sa kwento ng apo nito habang ito ay nasa ospital ay wala di umano itong kasama nang ito ay nagkasakit at tanging nurse lamang ang bumibisita at tumitingin dito. Ito ay dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagbabantay sa mga COVID infected upang hindi na ito makahawa pa.

“Sabi niya sa sasakyan: Akala ko hindi na ako makakauwi”, dagdag pa nito. -aniya Vicmundo

Resulta ng test

Ang lola ay dinala sa ospital noong ika-6 ng Abril dahil sa ito ay nagkasakit ng pnuemonia hanggang sa kalaunan nang ito ay masuri ito ay nagpositibo sa sakit na COVID-19.

Ang Resulta- COVID-19
Photo Credit: GMA

Matapos sa pamamalagi sa nasabing ospital, at nang ito ay gumaling ay lubos itong nagpasalamat sa lahat ng mga frontliners na syang nag-alaga at tumulong sa kanya upang ito ay gumaling.

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: