Press "Enter" to skip to content

Isang Bata Sa Quezon City, Pinalo Ng Pulis Dahil Sa Pagbili Sa Tindahan

Isang bata sa Quezon City sugatan ang likod matapos paluin ng yantok ng pulis. Ito ay dahil umano sa paglabag sa quarantine protocol.

Gasgas ang likod

Gasgas at namumula pa ang likod ng batang si alyas Aldrin ng paluin umano ng pulis sa Liwanag Street Old Balara sa Quezon City. Kahapon, Martes,inutusan siya ng ina na bumili sa tindahan kahit alam naman na bawal lumabas sa mga oras na iyon. Nahuli ng nasabing ang paglabag ng bata kung kaya pinalo umano niya ito ng yantok. 

Isang Bata Sa Quezon City, Pinalo Ng Pulis Dahil Sa Pagbili Sa Tindahan 2

Nagsumbong ang bata sa ina kaya naman galit na galit na sinugod ni “Nanay Marissa” ang pulis sa kanyang pwesto. Kuha sa video ng isang concerned citizen ang naging pagtatalo nila ng pulis.

“Bastos ka, wala kang karapatang mamalo.” ani Marissa

Inutusan ng nanay

Nagulat nalang umano na nagtatakbuhan ang mga tao sa kanilang lugar kasama ang kanyang anak. Nang makita ang sugat ng anak ay agad na nagalit si Marissa. Aniya, aminado man siya na mali ang ginawa niyang pag uutos sa anak sa gitna ng ipinapatupad na quarantine, ay hindi pa rin dapat manakit ang pulis lalo na kung ito ay bata.

Isang Bata Sa Quezon City, Pinalo Ng Pulis Dahil Sa Pagbili Sa Tindahan 3

“Nung time na ‘yun naswertehan talaga na lumabas ang anak ko, inutusan ko. Nagtatakbuhan ‘yung mga bata, ngayon naki takbo siya. Kita ko talaga may ano yung anak ko, may galos po talaga sa likod. Kitang kita ko kaya siyempre sino naman ina ang matutuwa na ganun ang nangyari sa ana ko tapos pulis pa ‘yung gumawa.”

Sinibak sa pwesto

Humingi naman umano ng paumanhin sa kanya ang pulis. Nadala lamang daw ito ng emosyon lalo napakahirap ng kanilang trabaho.Nakausap na ng Station Commander na si Police Lieutenant Commander Romulus Gadaoni ang nasabing pulis. Itinanggi umano ng pulis ang akusasyon laban sa kanya ngunit sinibak pa rin niya ito.

Isang Bata Sa Quezon City, Pinalo Ng Pulis Dahil Sa Pagbili Sa Tindahan 4

“Hindi namin tino-tolerate ‘yung mga ganyang bagay, inoobserbahan namin po yung human rights pa rin po, bawal talagang mamalo lalong-lalo na at menor de edad.” ani Romulus.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: