Press "Enter" to skip to content

Isang Binatilyo Sa Quezon, Pinagtulungan Bugbugin Ng Grupo Ng Mga Kabataan

Kalat na sa social media ang video kung saan walang habas na binugbog ng isang grupo ng kalalakihan ang isang binatilyo matapos umano itong magnakaw. Nangyari ang insidente sa isang parang sa bayan ng Lucban sa Quezon.

Pagnanakaw ng biktima

Makikita sa video na pilit pinaaamin ng grupo ang kapwa nila binatilyo. Ayon sa kanila, nagnakaw ang biktima ng cellphone at pera mula sa kanila. Matapos kasing mawala ang cellphone, biglang nagkaroon ng pera ang binatilyo na siya nilang pinagtataka.

Isang Binatilyo Sa Quezon, Pinagtulungan Bugbugin Ng Grupo Ng Mga Kabataan 2

Galit na galit ang grupo dahil hindi nito agad inamin ang ginawang pagkakamali. Ayon sa biktima P40 lamang ang halaga na kanyang kinuha. Doon na lalong nagalit ang grupo sa kawawang binatilyo. Sumbat ng grupo, pinakain pa nila ang binatilyo kaya bakit nito nagawang pagnakawan pa sila.

Walang habas na pambubugbog

Agad sinapak ng isa sa mga lalaki ang biktima na siyang ikinatumba ng payat na katawan nito. Doon na siya sinimulan pagtulungan bugbugin ng dalawa sa kanilang grupo habang ang iba ay nanonood lamang. Hindi mabilang na suntok at tadyak ang natamo ng binatilyo sa kamay ng galit na grupo.

Isang Binatilyo Sa Quezon, Pinagtulungan Bugbugin Ng Grupo Ng Mga Kabataan 3

Dahil nag-iisa at mahina, walang nagawa ang kawawang binatilyo kundi ang dumapa at takpan ang mukha mula sa mga banat sa kanya ng grupo. Wala itong tigil sa pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman dulot ng walang sawang pananakit sa kanya.

Banta na pagpatay

Hindi pa nakuntento ang isa sa mga ito at tinalunan pa niya ang payat na katawan ng binatilyo. Lambot na lambot na ang katawan ng biktima ngunit hindi pa rin siya tinitigilan ng mga ito. Gulay na ang katawan ng binatilyo ngunit pilit pa rin siyang pinapatayo at sinasaktan ng grupo.

Isang Binatilyo Sa Quezon, Pinagtulungan Bugbugin Ng Grupo Ng Mga Kabataan 4

Tila naman walang balak umawat ng ibang nakasaksi dahil pinagtatawanan pa nila ito. Ayon sa mga ito, handa nilang patayin ang kawawang binatilyo dahil sa ginawa nito. Nagmakaawa ang binatilyo na tigilan na siya ngunit hindi pa rin siya umaawat sa malalakas na sipa. Ayon sa binatilyo ay handa naman itong bayaran ang ninakaw ngunit hindi pa rin nahupa ang kanilang galit.

Galit na galit naman ang mga netizen na nakapanood ng video. Ayon sa kanila, ano man ang nagawang kasalanan ng biktima ay hindi pa rin ito rason upang bugbugin ng husto ang binatilyo. Hiling nila na makarating sa mga awtoridad ang nangyari upang maturuan ng leksyon ang grupo.

Posted by Pinoy Abroad Tambayan on Thursday, June 11, 2020

Posted by Pinoy Abroad Tambayan on Thursday, June 11, 2020

Source: Ruena Zubia

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: