Press "Enter" to skip to content

Isang Bote Ng Alcohol Sa Pampanga Umabot Ng P900!

Sa gitna ng bnata ng COVID-19, marami ang kasalukuyang apektado magmula sa mga maliliit hanggang sa malalaking mga negosyo. Marami ang nagtaas ng kilay sa mga diumano ay hoarder ng mga pangunahing pangangailangan sa panahon na ito- alcohol, face masks, at mga pagkain.

Ginto

Naging tutok ang mga netizen sa mga hoarder ng alcohol at face masks. Kasabay nito ay ang pagbebenta ng mga ito sa mataas na presyo. Isang netizen ang nagpatunay ng mala-gintong presyo ng alcohol mula sa Pampanga. Sa post ng netizen na si Cheeryney Wingco Pangilinan, inilahad nito ang pagkadismaya sa presyo ng nabili nitong isang galon ng alcohol. Aniya,

“Ganito na ba ang presyo ng alcohol ngayon? Nakakagulat naman 900 na agad 1 gallon lang to. Sa harap po ng ONA ito. Samantalang bumili ang boss ko sa MQ 250 lang ngayon nagmahal na. OMG!!😵”

Overpriced

Isang Bote Ng Alcohol Sa Pampanga Umabot Ng P900! 2

Umabot ng P900 pesos ang isang galon ng alcohol sa Pampanga na syang nabili sa tapat ng Ospital Ning Angeles. Ang pharmacy ay natukoy bilang JPMR Pharma. May isang netizen din na nagkomento ukol sa overpriced alcohol na kung saan ay ilang galon lamang ang nabili nito dahil sa presyo. Resulta ng pagkaubos ng alcohol sa maraming bilihan ay napilitan ang mga ito na bilhin ang mamahaling alcohol na syang gagamitin para sa barangay.

Babala ng DTI

Matatandaang nagbanta ang Department of Trade and Industry sa mga hoarder at mga nagbebenta ng alcohol at face masks sa napakamahal na presyo. May kautusan na din na huhulihin ang mga mapapatunayang lalabag sa utos na ito.

Nagkakaubusan

Sa puntong ito ng laban sa covid, maraming malalaking tao at kumpanya ang nagbigay ng donasyon na alcohol at facemasks sa ating mga healthcare workers. Pati na rin ang testing kits na nagkakaubusan na din sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng novel corona virus. Kaya naman, mahigpit na ipinapatupad ang enhanced community quarantine upang mabilis na mapuksa ang virus sa lalong madaling panahon. At maibalik na din ang normal na takbo ng ating pang araw araw.

Source: Facebook Cheeryney Wingco Pangilinan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: