Press "Enter" to skip to content

Isang Brgy Sa Valenzuela, Doble Ang Name Entry Ng 36 Na SAC Beneficiaries

Nakilatis ng isang netizen ang listahan ng Social Amelioration Program beneficiaries ng DSWD sa kanilang nasasakupang barangay. Dito ay tila napansin nito ang pagkakarambol ng pangalan ng iilang indibidwal sa listahan.

Nirambol

Viral ang post ng netizen na si R Hea Rebato na kung saan ay nagpapakita ng tila pagkakarambol ng iilang pangalan ng benepisaryo sa kanilang barangay sa Valenzuela. Ang sinasabing dokumento ay listahan ng mga benepisaryo sa SAP sa Barangay Bagbaguin, Valenzuela. Sa pagkilatis ni Rebato ay natumbok nito ang 36 na pangalan na doble ang entry sa listahan. Mapapansin na nakarambol ang apelyido at pangalan upang tila hindi mahalata.

Isang Brgy Sa Valenzuela, Doble Ang Name Entry Ng 36 Na SAC Beneficiaries 2
Isang Brgy Sa Valenzuela, Doble Ang Name Entry Ng 36 Na SAC Beneficiaries 3

Double entry

Hirit ng netizen, ang 36 doubled entries na ito ay maaaring ihalili pa sa iba pang deserving na makatanggap ng benepisyo. Kinukwestyon din nito kung ito ba ay typo error lamang o sinadya. Aniya, 652 na katao ang nasa listahan na syang katumbas ng P5.2 million kung bawat indibidwal ay makatatanggap ng P8k. Ngunit, kung 36 slots ang nadoble, katumbas ito ng P288k na syang dapat ay mapunta sa iba pang pamilya.

Tila kwestyonable kung saan mapupunta ang nasabing P288k na ito. Mapapansin sa listahan na sa bawat nadobleng pangalan ay hindi nakaayos ang pangalan ng mga ito. Sa bawat dobleng entry ay nakalagay ang pangalan ng indibidwal sa hanay ng dapat ay apelyido ang nakalagay.

Walang masamang hangarin

Ayon pa kay Rebato, wala itong masamang hangarin sa kanyang post. Aniya ay dala ng quarantine ay nagkaroon ito ng maraming oras para bumusisi kaya napagtuunan nito ng pansin ang listahan. Dagdag pa nito, walang kasalanan ang mga pangalan ng mga indibidwal na nadoble ang entry, at DSWD aniya ang dapat na magpaliwanag ukol rito.

Seryosong isyu

Hirit pa ng netizen, isa itong seryosong isyu. Aniya ay sa kanilang barangay pa lamang ay may lapses na itong P288k, kaya naman kataka-taka din kung nangyayari din ito sa iba pang barangay.

Dear #DSWD Nakita ko lang SAP beneficiaries sa #BrgyBagbaguin #Valenzuela magkaka iba't ibang tao po ba mga ito????…

Posted by R Hea Rebato on Sunday, April 26, 2020

Source: R Hea Rebato

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: