Dalawang lalaki ang sugatan matapos madaanan ng isang malakas na buhawi sa Leyte Town, Tacloban City nitong linggo, ika-31 ng Mayo.
Pag-atake ng buhawi
Habang nag-babantay sa isang Check Point o Border Control ang dalawang lalaki ay bigla na lamang silang hinagupit ng isang malakas na hangin dulot ng buhawi. Isang pulis at isang barangay council ang sugatan sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan nang tamaan ng rumaragasang buhawi.

Sa inisyal na impormasyong nakalap, nasa loob umano ng tent ang mga biktima ng bigla itong nilipad dahil sa malakas na pagtama ng hangin dulot ng buhawi. Tumama ito ng bandang alas-11 ng umaga. Nang dahil rito naiwang sugatan ang dalawang biktima.
Mga biktima
Ayon kay Atty Adelito Sobilada, isang Kananga Municipal administrator, kinilala ang mga biktimang si Niño Jesus, isang Patrolman at Rolando Graho na isa namang Barangay Council sa Lonoy, Kananga Town. Sinabi rin ni Atty Adelito na mabilis namang naisugod ang dalawang biktima sa Kanaga Municipal hospital na hanggang ngayon ay under observation pa rin.
Ipo-ipo
Matatandaan naman na nitong nakaraang Sabado ika-30 ng Mayo, namataan ang tatlo hanggang apat na ipo-ipo o water spout tornado sa Laguna de Bay. Masuwerte naman ang mga residente na malapit dito, at hindi ito umabot sa mga kabahayan at wala namang naiulat na nasaktan.

Ayon naman sa mga eksperto, bagamat nakaka-aliw itong tignan, ito ay lubhang mapanganib gaya ng buhawi. Ang payo nila ay agad ng lumayo at lumipat sa mas ligtas na lugar, kung may mamataang ganito.
COVID-Free
Samantala, nananatili namang COVID-free ang mga munisipalidad ng Tacloban. Mayroong pito katao ang nagtungo sa quarantine facility at lumabas na negatibo ang lahat ng resulta sa kanilang laboratory test. Ang mga ito ay nagmula pa sa Maynila at Cebu.
Source: Manila Bulletin
Be First to Comment