Press "Enter" to skip to content

Isang Clinic Sa Pampanga, Timbog Matapos Mapagalamang Gumagamit Ng ‘Di Rehistradong Gamot

Hinuli ng National Bureau of Investigation (NBI) nito lamang araw ng Biyernes, ika-29 ng Mayo, ang isang clinic sa Pampanga na napag-alamang gumagamit ng mga hindi rehistradong gamot at ‘di umano’y binibenta pa ang mga ito.

Mag-amang Tsino ang suspek

Ayon sa ulat, anim na kama sa ospital, parehong ginagamit at hindi nagamit na dextrose, pati na rin ang mga gamot na may nakaimprentang Chinese na mga salita ay parehas na natagpuan sa loob ng isang apartment sa Angeles City, Pampanga.

Ang klinika ay natuklasan sa pamamagitan ng isang entrapment operation ng NBI laban sa mag-amang suspek na sinasabing nagbebenta ng hindi rehistradong gamot.

Isang Clinic Sa Pampanga, Timbog Matapos Mapagalamang Gumagamit Ng 'Di Rehistradong Gamot 2
Source: Rappler

Ayon sa executive officer ng NBI for operation na si Marvin de Jemil, matapos ipagbigay-alam sa kanila ang tungkol rito agad silang nagsagawa ng surveillance.

Pahayag ni Jemil,

“And then, after the surveillance we proved that, indeed, this Chinese doctor is selling unregistered Chinese medicine.”

Isang Clinic Sa Pampanga, Timbog Matapos Mapagalamang Gumagamit Ng 'Di Rehistradong Gamot 3
Source: Manila Bulletin

Ayon naman kay Gomel Gabuna, Food and Drug Administration chief administrative officer, ang suspek ay nagsasagawa rin ng COVID-19 testing.

Aniya,

“Merong mga boxes doon na pang COVID […] tas’ may pang-swab din […] Yes, definitely yes [they are conducting COVID-19 testing],”

Matagumpay ang entrapment operation

Matapos ibigay ng mga operatiba ang marked money, nang tila napansin ng matandang lalaki na Tsino ang operasyon ng NBI, dali-dali nitong sinubukang tumakas sa bubong.

Isang Clinic Sa Pampanga, Timbog Matapos Mapagalamang Gumagamit Ng 'Di Rehistradong Gamot 4
Source: Rappler

Ngunit kalaunan, nahuli rin ang mag-amang Tsino.

Bilang depensa ng mga suspek, sinabi nila na ang mga kama ay ginagamit lamang itong tulugan at ibinibenta lamang nila ang mga gamot sa kapwa nila Tsino.

Isang pharmacy, pagmamay-ari rin ng suspek

Bukod dito, timbog din ang pharmacy sa harap ng apartment, na pagmamay-ari rin ng suspek, dahil hinihinala ng mga awtoridad na ito ang pinagkukunan ng mga gamot na ginagamit ng suspek sa kanilang clinic.

Isang Clinic Sa Pampanga, Timbog Matapos Mapagalamang Gumagamit Ng 'Di Rehistradong Gamot 5
Source: Manila Bulletin

Sabi pa ni Jemil,

“Ito, drug store din ito. Pagaari din nu’ng Chinese doctor, iisa lang ang may ari, and the same content din, puro mga Chinese medicine din ang laman.”

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: