Press "Enter" to skip to content

Isang Dialysis Patient Na Napagkamalang PUI Patay Matapos Tanggihan Ng Ospital!

Isang kidney dialysis patient sa Rizal ang namatay dahil umano sa pagtanggi dito ng mga ospital na bigyan ng serbisyo sa kaniyang pag gagamot. Ito ay dahil inakalang infected ng virus na COVID19.

Listahan

April 10, nang mai-tag sa listahan bilang PUI’s ang ate ni James na isang kidney dialysis patient. Ito ay dahil nakaranas ng hirap sa pag hinga, na isa sa mga sintomas ng nasabing virus. Kaya ng dalhin ito sa hospital para sa kaniyang naka schedule na gamutan, siya naman pag lagay dito bilang persons under investigation o PUI’s ng nasabing hospital.

Dialysis Patient Napagkamalang PUI's

Kwento ni James, ang kaniyang ate ay 6 yrs ng dialysis patient. Dahil sa nagdaang holyweek kaya natagalan pa ang sumunod na schedule ng nasabing treatment Kaya naman ito ay nagkaroon na ng kumplikasyon na naging sanhi ng hirap sa pag hinga nung ito ay dalhin sa nasabing hospital.

Bago pa man lumabas ang bagong protocol ng DOH, matagal na umanong nakakaranas ang kaniyang ate ng ganitong sintomas dala ng side effects ng kaniyang dialysis.

Tinatanggihan

Dahil sa insideteng ito ay hindi na pinayagan ang kaniyang ate na mag dialysis pa sa nasabing ospital. Sinubukan din nilang tumawag sa ibang ospital upang mailipat ang kaniyang ate, ngunit kapag sinasabi nila na ito ay naipabilang sa PUI ito di umano ay agad ng tinatanggihan.

Dialysis Patient Napagkamalang PUI's

Mahigit 12 oras din silang naghintay sa pag-asang makahahanap ng malilipatan ito, ngunit ito ay binawian na ng buhay. Kaya ganoon na lamang ang galit ni James at lubos ang pagdadalamhati ng kaniyang pamilya sa nangyari.

Ang nasabing bagong protocol ng DOH, ito ay kung saan ang taong makararanas ng ilan sa mga sintomas ng COVID-19, ay kinakialangan isailalim bilang PUI’s o persons under monitor o (PUM). At ito ay kailangan naman sundin saan mang hospital alinsunod sa nasabing protocol.

Kasuhan

Matatandaang noong Abril 13 ay mayroon naging deklarasyon ang Pangulo at inutos sa Department Of Justice (DOJ) na kasuhan ang mga hospital na tatangi sa sinumang mga pasyente.

“Government hospital my order is must accept admission, your fail on that I will relieve all of you”

Dialysis Patient Napagkamalang PUI's

Sa ngayon ay inatasan na ng DOH ang bawat hospital na maglagay ng dialysis services for covid or non-covid patients man.

Narito ang kabuuang kwento

Stand For Truth: April 23, 2020 (Dialysis patient, patay matapos tanggihan ng ospital?)

DIALYSIS PATIENT, PATAY MATAPOS TANGGIHAN NG OSPITAL?Dahil sa sakit sa kidney, dalawang beses na dialysis sa isang linggo ang kailangan ng pasyenteng ito. Pero ang iba’t ibang ospital na kanilang tinawagan, lahat ito tinanggihan daw sila! Sa katunayan, halos 12 oras daw na naghintay sa isang temporary receiving area ng ospital ang pasyente hanggang sa bawian na ito ng buhay. Ang buong kuwento, panoorin sa video.

Posted by Stand For Truth on Thursday, April 23, 2020

Sa ngayon ay wala pang paliwanag ang hospital sa nasabing pangyayari. Gayunpaman bukas ang aming pahina sa anumang reaksyon ukol dito.

Source: Standfortruth


Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: