Press "Enter" to skip to content

Isang Empleyado Ng DPWH Na Nagtatrabaho Sa PICC Quarantine Facility, Namatay Bago Lumabas Ang Resulta Ng Kaniyang Covid-19 Test

Last updated on April 22, 2020

Manila, Philippines – Nasawi ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatalaga sa quarantine facility sa PICC, bago pa man lumabas ang resulta ng isinagawang coronavirus disease 2019 (COVID-19) test dito.

Ang nangyari

Ayon kay DPWH Build Build Build Committee Chairperson Anna Mae Lamentillo, nakaranas ng diarrhea ang nabanggit na empleyado ng ahensiya kaya isinailalim sa COVID-19 test. Gayunman, nasawi na ito habang hinihintay pa ang resulta ng kanyang pag-susuri.

Isang Empleyado Ng DPWH Na Nagtatrabaho Sa PICC Quarantine Facility, Namatay Bago Lumabas Ang Resulta Ng Kaniyang Covid-19 Test 2
Source: Philstar

Sinabi ni Lamentillo, naipagbigay alam na nila sa pamilya ng nasawing empleyado ng DPWH ang sinapit nito at nagbigay na rin ng tulong ang ahensiya.

Pagsusuri sa naka salamuha

Samantala, nagsasagawa na rin aniya ng contact tracing ang ahensiya habang sumasailalim na sa self-quarantine ang mga natukoy nang nakasalamuha ng nasawing empleyado.

Ito’y matapos silang magkasama na nagtrabaho sa pagsasaayos sa PICC na isa sa mga itinalagang COVID-19 Quarantine Facility, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Isang Empleyado Ng DPWH Na Nagtatrabaho Sa PICC Quarantine Facility, Namatay Bago Lumabas Ang Resulta Ng Kaniyang Covid-19 Test 3
Source: Philstar

Dagdag pa dito, sinabi din ni Lamentillo, siya pati sina DPWH Sec. Mark Villar, DPWH NCR Director Ador Canlas at ang iba pang opisyal at empleyado ng DPWH ay boluntaryong sasailalim sa self-quarantine habang hinihintay pa ang resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Isang Empleyado Ng DPWH Na Nagtatrabaho Sa PICC Quarantine Facility, Namatay Bago Lumabas Ang Resulta Ng Kaniyang Covid-19 Test 4
Source: GMA Network

Una nang kinumpirma ni Villar na nitong mga nakalipas na linggo ay hindi bababa sa tatlong empleyado ng DPWH ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Konstruksiyon at pacilidad

Samantala, sinabi ni Villar na na nakahanda na ang lahat ng mga quarantine facility sa Metro Manila.

Isang Empleyado Ng DPWH Na Nagtatrabaho Sa PICC Quarantine Facility, Namatay Bago Lumabas Ang Resulta Ng Kaniyang Covid-19 Test 5
Source: GMA Network

Kabilang na dito ang Rizal Memorial Stadium, PICC at World Trade Center at tinitingnan pa rin nila ang Ultra, Philippine Arena at isa pa sa south para magamit sa quarantine.

Nabatid na mabilis na naisakatuparan ang konstruksiyon ng mga qurantine facility sa tulong ng mga donasyon mula sa pribadong sektor.

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: